^

PSN Palaro

Pacquiao-Matthysse fight ibinasura ni Arum

RC - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa huli ay si legendary promoter Bob Arum pa rin ang masusunod kung sino ang dapat labanan ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao.

Kamakalawa ay sinabi ni Pacquiao (59-7-2, 38 KOs) na handa siyang labanan ni Argentinian superstar Lucas Matthysse  (39-4-0, 36 KOs) sa Abril.

Ngunit kaagad itong ibinasura ni Arum, ang chairman ng Top Rank Promotions.

“I see he has talked about fighting Matthysse. But that’s not gonna happen,” wika ni Arum kay Matthysse, nasa bakuran ng karibal niyang Golden Boy Promotions ni Oscar De La Hoya, sa panayam ng BoxingScene.com.

Isa si Matthysse sa mga nagpahayag ng kanyang kagustuhang labanan si Pacquiao.

Ngunit si dating Mexican world light welterweight king Mike Alvarado (38-4-0, 26 KOs) ang planong isagupa ni Arum sa Filipino boxing legend.

“We’re making progress on it,” ani Arum kay Alvarado na nasa kanyang boxing promotion. “I’m gonna talk to Michael (Koncz) tonight and hopefully wrap it all up.”

Ang duwelo nina Pacquiao at Alvarado ang magi­ging undercard ng ikalawang sunod na pagdedepensa ni Jeff Horn (18-0-1, 11 KOs) sa kanyang hawak na World Boxing Organization welterweight crown laban kay mandatory challenger Terrence Crawford (32-0-0, 23 KOs).

Ang WBO title ay hinubad ni Horn sa ulo ni Pacquiao via unanimous decision noong Hulyo 2 sa Brisbane, Australia na siyang naging pinakahuling laban ng Senador.

Ang naturang upakan ng 38-anyos na si Pacquiao at ng 37-anyos na si Alvarado ay gagawin sa Las Vegas, Nevada at hindi na sa Madison Square Garden sa New York City kagaya ng naunang pahayag ni Arum.

May nauna nang itinakdang dalawang boxing card sa Barclays Center malapit sa Brooklyn na lubhang ma­ka­kaapekto sa event ni Arum sa New York City.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with