SBP 3-on-3 program tututukan ni Angara
MANILA, Philippines — Tututukan ni Samahang Basketbol ng Pilipinas chairman Sen. Sonny Angara ang kanilang 3-on-3 program sa grassroots level at umaasang makakapaglaro ang bansa sa regular men’s basketball at sa inaugural 3-on-3 competition sa 2020 Olympics sa Tokyo.
Ang 3-on-3 event ay isinama bilang isang official medal game ng 2020 Tokyo Olympics.
Inaasahan ding dudumugin ng mga partisipante ang 2018 FIBA 3x3 World Cup na pamamahalaan ng bansa sa Hunyo 8-12.
Ang mga nasa provisional lists ay ang Brazil, Canada, Croatia, Ecuador, Estonia, Japan, Jordan, Kyrgyzstan, Latvia, Mongolia, Netherlands, New Zealand, Philippines, Poland, Romania, Russia, Serbia, Slovenia, Ukraine at Uruguay sa men’s side.
Nasa women's category naman ang Andorra, Argentina, Bahrain, China, Czech Republic, France, Germany, Hungary, Iran, Italy, Kazakhstan, Malaysia, Netherlands, Philippines, Russia, Spain, Switzerland, Turkmenistan, USA at Venezuela.
Ang grupo nina Kobe Paras, Kiefer Ravena, Jeron Teng at JR Quiñahan ay tumapos sa ika-11 noong 2017 event sa France.
Maliban sa 3-on-3 program ay isinusulong din ni Angara ang pagkakaroon ng pool ng mga naturalized players na maaaring maglaro para sa Gilas Pilipinas sa mga qualifying games para sa 2019 at 2023 FIBA World Cups.
Tatayong sponsor ng naturalization bill ang Senador mula sa Baler, Aurora sa Senate at sina Antipolo Rep. Chiqui Roa Puno, asawa ni SBP vice chairman Robbie sa Congress.
Pinanood ng mga SBP leaders ang Gilas training noong Lunes ng gabi sa Meralco Gym.
Ang mga cadets ay tinanggap sa Gilas program ng chairman, the vice chair, the executive director, SBP chairman emeritus Manny V. Pangilinan, president Al Panlilio at deputy executive director Bernie Atienza.
- Latest