^

PSN Palaro

Diaz, Alora pamumunuan ang Phl delegation sa 2017 AIMAG

AC - Pilipino Star Ngayon
Diaz, Alora pamumunuan ang  Phl delegation sa 2017 AIMAG

Sina taekwondo jin Kirstie Elaine Alora at weightlifter Hidilyn Diaz sa ibinigay na sendoff ng St. Benilde kahapon. (Kuha ni Jun Mendoza)
 

MANILA, Philippines — Babanderahan ni 2016 Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz ang kampanya ng Pilipinas para sa Asian In­door and Martial Arts Games (AIMAG) na nakatakda sa Setyembre 15-25 sa Ashgabat,Turkmenistan.

Isang linggo bago bumiyahe ang 104-man Philippine delegation ay inaasahang makukuha ng 26-anyos na si Diaz ang kanyang tamang timbang sa pagsabak sa wo­men’s weightlifting event.

Sinabi ng tubong Zamboanga City na bahagi ng ha­mon para sa isang pambansang atleta ang pagkuha ng tamang timbang.

Sobra sa tatlong kilo sa weight limit sa 53 kilograms ang bigat ni Diaz.

Inangkin ni Diaz, miyembro ng Philippine Air Force, ang silver medal sa 53 kg class noong 2016 Olympic Games sa Rio de Janeiro, Brazil.

Hindi siya nakapag-uwi ng anumang medalya sa ni­lahukan niyang Olympics noong 2008 sa Beijing at no­ong 2012 sa London kung saan siya sumabak sa 58 kg. weight class.

Patuloy ang ginagawang pagsasanay ni Diaz sa Ri­zal Memorial Sports Complex kasabay ng kanyang pag-aaral sa College of St. Benilde.

Sa weightlifting, ang mga kalahok ay tinitimbang da­lawang oras bago ang kompetisyon.

Kabilang sa mga inaasahang makakaagawan ni Diaz sa gintong medalya ay mula sa China, Chinese Tai­pei, Korea at Thailand.

Ang weighlifter ng Chinese Taipei ay nanalo ng gold me­­dal noong 2016 Rio Olympics, habang napasakamay ng South Korean ang bronze medal.

Binigyan ng mga opisyales ng St. Benilde sina Diaz at taekwondo jin Kirstie Elaine Alora ng isang sendoff kahapon.

Hangad ni Alora, kumampanya noong 2016 Olympics, na makakolekta ng gold medal matapos mabigo sa na­karaang 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ang 24-anyos na si Alora ay isang three-time gold medalist sa SEA Games.

Noong 2013 AIMAG na idinaos sa Incheon, South Korea ay sinikwat nina Jerald Jamili at Cherry Clarice Rarcon ang gold medal sa dancesport (Latin-Joeve) at kumuha ng tansong medalya sa Latin-Five Dances.

Tumumbok naman si Rubilen Amit ng bronze medal sa nilahukang 10-ball singles noong 2015 AIMAG.   

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with