^

PSN Palaro

Mojdeh sinira ang record ni schooling; PSL Tankers kumuha ng 21 gold sa day one

BRepizo-Meraña - Pilipino Star Ngayon
Mojdeh sinira ang record ni schooling; PSL Tankers kumuha ng 21 gold sa day one

Nagpasiklab si PSL tanker Micaela Jasmine Mojdeh sa 50m breaststroke event ng SICC Invitationals.

SINGAPORE -- Pinangunahan ni record-breaker Micaela Jasmine Mojdeh ang paghakot ng Philippine Swimming League (PSL) ng 21 ginto, 24 pilak at 20 tansong medalya sa unang araw ng 2017 SICC Invitational Swimming Championship na ginaganap sa Singapore Island Country Club dito.

Nagpasiklab ang Immaculate Heart of Mary College-Parañaque standout na si Mojdeh nang basagin ang re­kord sa girls' 10-11 50m breaststroke sa pagtatarak ng 38.65 segundo - mas mabilis sa lumang marka na 39.12 na naitala ni Elizabeth Lee ng Singapore noong 2011.

Muling umarangkada si Mojdeh sa 100m butterfly kung saan nagsumite siya ng 1:10.49 para lampasan ang 1:11.89 ni 2016 Rio Olympics gold medalist Joseph Schooling sa age-group noong 2006.

“She's really impressive - an Olympian in the making. We're so proud of her. She broke the record of Schooling established in 2006 - the very same year Jasmine was born. The future of Philippine swimming is bright. We just have to guide them towards that ultimate goal of making it to the Olympics and hopefully end the country's medal drought in swimming. It's been like decades since the Philippines won a medal in swimming,” pahayag ni PSL President Susan Papa kay Mojdeh.

Kumana rin ng tig-dalawang ginto sina Kristin Ivy Aus­tria (girls' 16-17), Richelle Anne Callera (girls' 7-under) at Martina Estrella (girls' 8-9) sa kani-kanilang kategor­ya, habang nagsumite ng bagong marka si two-time Pa­larong Pambansa Most Bemedalled Swimmer Kyla Soguilon sa girls' 12-13 class.

Nagreyna si Austria sa 50m breaststroke (38.68) at 200m freestyle (2:35.45) gayundin si Callera na na­mayagpag sa 50m backstroke (45.91) at 100m butterfly (1:43.51) at Estrella na nanguna sa 100m butterfly (1:31.40) at 50m backstroke (40.98).

Nakuha naman ni Soguilon ang ginto sa 50m backstroke sa pamamagitan ng bilis na 33.17 segundo para tabunan ang kanyang dating rekord na 33.39.

Umani rin ng ginto sina Diliman Preparatory School tankers Paul Christian King Cusing sa boys' 16-17 50m backstroke (30.39) at Lee Grant Cabral sa boys' 10-11 100m butterfly (1:14.18), Master Charles Janda ng Ba­taan sa boys' 8-9 100m butterfly (1:27.87),  Aishel Cid Evangelista ng Aquaspeed Sailfish  sa boys' 7-under 50mbacktroke (43.35), Trump Christian Luistro ng Le­gaz­pi sa boys' 8-9 200m freestyle (2:53.83) at Andrea Pa­checo ng College of Saint Benilde sa girls' 18-over 50m breaststroke (38.00).

Ang iba pang gold medalists ay sina Nathan Saso (boys' 12-13 200m freestyle), Neil Christian Salvador (boys' 12-13 50m backstroke), Kevin Chan (boys' 7-under 100m butterfly), Alexandra Louise Cortez (girls' 16-17 100m butterfly) at Lucio Cuyong II (boys' 14-15 50m breaststroke).

Nakahirit naman ng pilak sina Marc Bryan Dula, Al­bert Sermonia II, Nathan Cheng, Kiara Acierto, Rey Ca­pistrano, Chad Russell Espinas, Anne Gabrielle Pu­risima, Jean Dominic Bongotan, Leodd Troy Dalman, Jenn Sermonia, Heather White, Arbeen Thruelen, Enzo Ma­layang, Jayani Balutan, Riza De Guzman at sina Moj­deh, Janda, Callera, Cusing.

Nanggaling ang tanso kina Paula Carmela Cusing, Bea Quiambao, Tara Beard, Rowena De Guzman, Jude Gapultos, Risha De Guzman, Ruben White, Chloe Laurente, Elaine Galang, Hannah Ataza, at sina White, Pacheco, Cusing, Asierto at Salvador.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with