^

PSN Palaro

Horn overweight pa, trainer ‘di nag-aalala

DM - Pilipino Star Ngayon

BRISBANE, Australia - Anim na araw bago ang kanilang upakan ni Manny Pacquiao ay sobra pa rin ang timbang ni Jeff Horn para sa welterweight limit na 147 pounds.

Ngunit hindi nagpa-pa­nic ang kampo ng Australian challenger.

“My current weight right now? I’m probably 71, 72 kilos,” wika ni Horn sa mga Filipino scribes sa kanyang media workout noong Lu­nes sa gym ni trainer Glenn Rushton.

Sa kasalukuyan ay tumitimbang si Horn ng 156 pounds--siyam na libra ang sobra sa welterweight limit.

Ngayon ay kailangan ng 29-anyos na Australian na magbawas ng timbang bago ang kanilang official weigh-in ceremony ni Pacquiao sa Sabado.

Kumpiyansa si Rushton na makukuha ni Horn ang welterweight limit sa hanga­ring maagaw kay Pacquiao ang suot nitong WBO welterweight championship sa Linggo sa Suncorp Stadium dito.

“We’ll get through the weight,” wika ni Rushton sa media.

Kung mayroon mang weight problems si Horn ay tiniyak ng licensed school teacher na hindi siya nito naaapektuhan.

Alam ng dating Olympian na ang panalo niya kay Pacquiao para sa world title ang tiket niya para sa boxing superstardom.

“If I can become a world champion on Sunday, it will fulfill all my dreams. I’ll be a happy man,”ani Horn.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with