MCTA Community Coaches Conference ng PPS-PEPP
MANILA, Philippines - Muling magdaraos ang Palawan Pawnshop-Palawan Express Pera Padala ng three-day MCTA Community Coaches Conference simula ngayon sa Maasin, Leyte kasabay ng PPS-PEPP age-group tournament sa Maasin City Tennis Courts.
Pamumunuan ni Mayor Nacional Mercardo ang seminar-clinic na bahagi ngayon ng nationwide program na itinatag ng PPS-PEPP sa pakikipagtulungan sa Macs Crankit Tennis Academy of Australia na naghahangad na makapagbigay ng “high quality experience” sa bawat coach at player.
Si MCTA coach Patricia Concon-Puzon ang mangunguna sa Teachers Conference at libreng tennis clinic para sa grassroots at advance sa ilalim ng Australian Tennis Professional Coaches Association.
Samantala, humigit-kumulang sa 300 lahok mula sa Iloilo, La Carlota, Gen. Santos City, Digos, Sarangani, Malaybalay, Bukidnon at Cebu ang nagpalista para sa PPS-PEPP age grouper.
May mga kalahok din mula sa Ormoc, Tacloban, Baybay, Hilongons, Bato, Matalon, Samar, Guiuan, McArthur at host city, ayon kay Maasin City at PPS-PEPP sports coordinator Embet Aya-ay.
“This is the first time that we’re hosting a big tournament such as this and we hope to produce a new Ringo Navarosa. We’re also inviting all tennis aficionados and Dep-Ed teachers who may want to level up their coaching career,” sabi ni Mercado.
Orihinal na itinakda sa Mindanao region, nagdesisyon ang mga organizers na gawing nationwide affair ang teachers’ confab at clinics bilang sagot sa kahilingan ng mga LGUs na tulungang mapalakas at mai-promote ang tennis para sa kanilang mga youth programs.
“We thank the MCTA, ATPCA and Babolat for expanding this project to the nationwide level where players with potentials, along with Filipino coaches, can be tapped for training in Australia,” sabi ni Palawan Pawnshop president/CEO Bobby Castro.
- Latest