Thai veterans ibabandera ang Power Smashers
MANILA, Philippines - Sasandalan ng Power Smashers ang dalawang Thai veteran reinforcements na sina Amporn Hyapha at Kannika Thipachot sa kampanya nito sa Premier Volleyball League Reinforced Conference na magsisimula sa Linggo sa The Arena sa San Juan City.
Maagang dumating sa bansa sina Hyapha at Thipachot upang mabilis na makaagapay sa sistema ng laro ng mga local players ng Power Smashers.
Kinakailangan ng Power Smashers ng matagal na pagsasanay dahil magkakaibang koponan galing ang mga nasa lineup gaya nina Jovielyn Prado ng Arellano University, Dimdim Pacres at Alina Bicar ng University of Santo Tomas at sina San Sebastian College standouts Vira Mae Guillema at Katherine Villegas.
Nakapaglaro na para kay Power Smashers ni coach Nes Pamilar sina Hyapha at Thipachot sa Shakey's V-League Open Conference noong 2013 at 2014.
Kaya naman kabisado na nito ang galaw ng dalawang Thai players.
“Their conditioning is good but what we need right now is for the local players to help them,” ani Pamilar.
Galing naman sina Pacres at Bicar sa kampanya sa UAAP Season 79 kung saan nakaabot ang Tigresses sa Final Four subalit natalo sa nagdedepensang La Salle.
“We're doing well when Pacres arrived and Bicar is also doing good and I'm still deciding right now who between her and Guillema would take the starting setter job,” ani Pamilar.
Agad na masusubukan ang lakas ng Power Smashers dahil makakaharap nito ang reigning champions Pocari Sweat sa opening day sa alas-4 ng hapon.
“We have no import last year when we played them but this time we have so we expect to be competitive,” ani Pamilar.
- Latest