Weiss, Wasle hari ng XTERRA Danao
DANAO, Cebu , Philippines - Sa gitna ng nakakapasong init ng araw ay matagumpay na nakamit ni South African Bradley Weiss ang kayang ikalawang sunod na titulo sa XTERRA Philippines Off Road Triathlon series dito kahapon.
Humanap ng tamang pagkakataon sa ilalim ng 40 degree heat, kumawala si Weiss sa mountain roads para pagharian ang XTERRA Danao Cebu title.
Nauna siyang nagkampeon sa nakaraang XTERRA sa Albay.
Nagsumite si Weiss ng bilis na tatlong oras at 16 minuto para sakupin ang 1.5K swim, 40K mountain bike at 10K trail run course kasunod si runner-up Sam Osborne ng New Zealand (3:23:33).
“Very tough race. I’ve been racing professionally for six years now and this one’s probably the hardest and hottest race I’ve ever done,” sabi ni Weiss.
“It’s so challenging that if you finish, you’ve already done a fantastic job. So to come up with a win is absolutely an amazing result; I couldn’t ask for more,” dagdag pa nito.
Inangkin naman ni Kiwi bet Kieran McPherson ang bronze medal sa nasabing event, inorganisa ng Sunrise Events, Inc. mula sa kanyang oras na 3:24:27 kasunod si Australian Ben Allen, tatlong beses na naputukan ng gulong sa bike stage, sa kanyang 3:44:26 at sina American Will Kelsay (3:50:48) at Pinoy Joseph Miller (3:52:04).
Sa women’s division, inangkin ni Austrian Carina Wasle ang titulo sa kanyang tiyempong 4:07:49 para ungusan sina Aussie Penny Slater (4:36:21) at American Jessica Koltz (5:22:53).
“I had a very good race. I managed my speed and made sure I won’t overheat so I wasn’t very tired in the end,” ani Wasle sa event na suportado ng Alcoplus, Sanicare, The Philippine Star, 2GO Express, Cetaphil, Prudential Guarantee, Columbia, Garmin, Tri Life, Cignal Hyper TV, Rocktape, Gatorade, MNTC at Coca Cola Femsa.
- Latest