Folayang hawak pa rin ang korona
MANILA, Philippines - Nagwagi si MMA Filipino star Eduard Folayang kontra kay Ev “E.T.” Ting ng Malaysia via unanimous decision upang mapanatili ang korona sa One Lightweight World Championship na ginanap nitong Biyernes sa Mall of Asia Arena ng Pasay City.
Ipinakita ni Folayang ang kanyang pagka-agresibo lalung-lalo na sa kanyang paa na siyang tumama kay Ting tungo sa malaking panalo.
Nag-improve rin ang grappling ni Folayang at pinatamaan niya ng maraming puntos si Ting partikular na sa ika-apat at ika-limang rounds para mangunguna sa scoring cards ng tatlong judges.
Ang panalo ni Folayang ang naghatid sa 5-0 sweep sa Team Lakay matapos manalo rin ang kanyang teammates na sina Kevin Belingon, Honorio Banario, Danny Kingad at Gina Iniong.
Personal na nagpunta si eight-division champion Manny Pacquiao sa loob ng One Championship cage para magpahayag ng kanyang kagalakan sa panalo.
“I would like to thank Ev Ting, he really came prepared for this fight. We came to give the fans a good fight, and that’s what we have done,” sabi ni Folayang.
“This is the essence of martial arts, five rounds to show how much we’ve prepared for a long time. (This fight) means a lot. A lot of you (fans) were discouraged the last time I was here, I slept on that mat. I rose up from my circumstances. I needed to train a lot to improve a lot. This is it on my shoulder. Thank you for your support,” dagdag pa ni Folayang.
Sa co-main event nanalo rin ang bantamweight na si Kevin “The Silencer” Belingon laban kay Toni “Dynamite” Tauru ng Finland.
Ang iba pang nagwagi ay sina dating ONE Featherweight World Champion Honorio “The Rock” Banario laban kay Jaroslav Jartim at 18-anyos na si Christian Lee laban kay Jian Ping ng China sa featherweight class.
- Latest