^

PSN Palaro

Belasco, Taggart pinagmulta

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Ang komprontasyon nina Phoenix assistant coach Nic Belasco at import Shawn Taggart ng nagdedepensang Rain or Shine ay may katapat na multa.

Pinatawan ng PBA Com­missioner's Office si Belasco ng multang P40,000 kung saan ang P30,000 at P10,000 dito ay dahil sa kanyang pakikipag-away kay Taggart at ang pagsisimula ng gulo, ayon sa pagkakasunod.

Si Taggart, dating import ng Globalport, ay pinagba­yad naman ng P30,000 sa larong nangyari matapos ang come-from-behind 96-94 win ng Elasto Pain­ters laban sa Fuel Masters noong Abril 17 sa Smart Araneta Coliseum.

Bagama't napatawan ng multa ay nakaligtas naman sina Belasco, dating PBA power forward at Taggart sa suspensyon mula kay PBA Commissioner Chito Narvasa.

Matapos ang panalo ng Rain or Shine sa Phoenix ay itinulak ni Belasco sa mukha si Taggart habang papunta ang dalawang koponan sa kani-kanilang mga dugouts.

Gumanti ng suntok ang import sa deputy coach bago naawat ng kanilang mga kakampi.

Sinasabing habang nag­lalaro ang Elasto Pain­ters at Fuel Masters ay nag­ka­kasagutan na sina Taggart at Belasco.

vuukle comment

NIC BELASCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with