^

PSN Palaro

Si Bacho na lang ang nalalabi

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tanging si Joel Bacho na lamang ang natirang pambato ng Pilipinas matapos isa-isang yumuko ang lima pang miyembro ng pambansang koponan sa quarterfinals ng Thailand International Boxing Tournament kahapon sa Queen Sirikit Sports Complex sa Thanyaburi District, Pathum Thani Province sa Thailand.

Naitala ni Bacho ang impresibong 5-0 unanimous decision win laban kay Huang Zhao Ching ng Chinese-Taipei sa men’s welterweight division upang sundan ang kanyang agre­sibong panalo laban kay Cuban Arisnoidys Despaigne.

“Obviously we would have wanted our win streak to continue, that's a tough tournament the boys are in. I welcome the opportunity to test our skills against some of the best boxers in the world. This can only be good for them. Go Bacho,” ani ABAP president Ricky Vargas.

Sunod na makakaharap ng 24-anyos Mandaluyong City pride si 2016 World Youth gold medalist Akhmedov Sadriddin sa semifinals.

“I know he's good but I gained a lot of confidence with that win over the Cuban. Hopefully, it will carry me to the Finals and a possible gold here,” wika ni Bacho.

Namaalam naman sa kontensiyon si Carlo Paalam ng Cagayan de Oro, bronze medalist sa World Youth Championships, matapos yumuko kay Rio Olympics gold medalist at 2016 AIBA Bo­xer of the Year Dusmatov Hasanboy ng Uzbekistan sa iskor na 0-5 sa men’s light flyweight division.

Yumuko rin sina 2015 SEA Games gold medalists flyweight Ian Clark Bautista at bantamweight Mario Fernandez laban sa kani-kanilang karibal na mula sa host nation Thailand.

Bigo ring sundan ni James Palicte ang kanyang second-round technical knockout victory kay Australian Patrick McLaughlin nang lumasap ito ng unanimous decision loss kay Rio Olympic bronze medalist Akhmadaliev Murodjon ng Uzbekistan sa men’s lightweight.

Huling lumaban si Eumir Felix Marcial ngunit hindi rin ito pinalad sa kamay ni Cuban Osley Iglesias Estrada na nagtala ng 3-2 panalo.

JOEL BACHO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with