^

PSN Palaro

Bowles may kapalit na

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  May nakita nang kapalit ang TNT KaTropa para sa pinauwing si dating PBA Best Import Denzel Bowles.

Kinuha ng Tropang Texters si 10-year NBA veteran forward Louis Amundson para sa kanilang kampan­ya sa 2017 PBA Commissioner's Cup.

Nakatakdang duma­ting ngayon sa bansa ang 6-foot-9 power forward na si Amundson, nagposte ng mga NBA career ave­rages na 3.7 points at 3.6 rebounds sa kanyang pag­lalaro simula noong 2006 hanggang 2016.

Inaasahang ipaparada ng Tropang Texters si Amundson sa kanilang pagsagupa sa Meralco Bolts sa Biyernes.

Naglaro ang 34-anyos na produkto ng UNLV para sa Phoenix Suns, Philadelphia 76ers, Golden State Warriors, Indiana Pacers, Minnesota Timberwolves, New Orleans Pelicans, LA Clippers, Chicago Bulls at Cleveland Cavaliers.

Sa kanyang kampanya sa Knicks ay nagtala si Amundson ng mga a­verages na 6.0 points, 6 rebounds, 1.6 assists at 1.3 blocks sa 41 laro noong 2014-15 season.

Matapos naman ang isa at kalahating linggong pakikipag-ensayo ay nagdesisyon ang TNT Katropa na pauwiin ang 6'9 na si Bowles dahil sa pagiging 'out of shape' nito.

Labis din nitong di­nam­dam ang pagbitaw sa kanya ng Star, dating Purefoods na iginiya niya sa korona ng 2012 PBA Commissioner's Cup.

Samantala, pinasa­lamatan ng Phoenix si balik-import Eugene Phelps dahil sa pagiging standby import at nakatakdang palitan ni Jameel McKay, naglaro para sa Perth Wildcats sa Australian league.

Kumamada ang 6'5 na si Phelps, maglalaro sa Puerto Rican league, ng 53 points at 21 rebounds sa 118-116 double-overtime win ng Fuel Masters laban sa Blackwater Elite noong Sabado.

Gagawin naman ng 6'9 at 24-anyos na si McKay, isang undrafted player sa nakaraang NBADraft, ang debut game para sa Phoenix bukas kabangga ang Star. 

BOWLES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with