^

PSN Palaro

Semis seat target ng Lady Spikers sa pagsagupa sa Foton Tornadoes

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Itataya ng solo leader Petron Blaze Lady Spikers ang malinis na kartada sa kanilang pakikipagtagpo laban sa Foton Tornadoes sa 2017 Belo-Philippine Superliga (PSL) Invitational Conference ngayon sa FilOil Flying V Arena ng San Juan City.

Kung mananalo ang Petron (3-0) laban sa Foton (2-1) sa kanilang laro sa ganap na alas-3 ng hapon ay masusungkit ng tropa ni head coach Shaq De los Santos ang unang semifinals berth.

Sa ibang laro, haharapin ng pumapangalawang Cig­nal HD Spikers (2-1) ang ikatlong panalo sa torneo laban sa Generika-Ayala (1-1) alas-7 ng gabi, habang maglalaban naman ang mga wala pang panalo at mga baguhang Cocolife Assets Managers (0-3) at Sta. Lucia Lady Realtors (0-2) sa alas-5 ng hapon.

Krusyal ang laban ng Lady Realtors at Assets Mana­gers dahil ang mananalo ay manatiling buhay ang pag-asang makapasok sa semis.

Pinaghandaan ng Petron ang opening conference ng 2017 season kaya nag-revamp sila para lalong palakasin ang koponan.

At sa pamamagitan nina Mika Reyes, Carmela Tunay at Ces Molina ay rumatsada kaagad ang Lady Blaze Spikers ng tatlong sunod na panalo.

Ang una nilang tinalo ay  ang Sta. Lucia, 25-19, 25-19,25-21, at ang ikalawan ay sa Cignal HD, 18-25, 26-24, 14-25, 25-20,15-12.

Nagwagi pa rin ang Petron kontra sa Cocolife, 20-25, 25-19, 25-21, 25-21, noong Sabado para sa kanilang ikatlong sunod at manatili sa solo leadership.

Sinabi naman ni Petron head coach De los Santos na malakas talagang kalaban ang Foton Tornadoes kaya hindi sila puweding mag-relax.

Kahit hindi pa makalaro sina Jaja Santiago at EJ Lau­re dahil sa kasalukuyang UAAP tournament ay ipina­kita nina Dindin Manabat, Gretchel Soltones, Cherilyn Sindayen at Maika Ortiz ang matikas na laro kaya pumalo rin ang Foton ng dalawang panalo sa tatlong laban.

Ang tanging talo ng Foton ay sa Cignal HD, 24-26, 25-20, 24-26. 25-13, 9-15, noong opening.

 “We know that Foton is a contender every conference. Kahit sinong players ang ilagay mo dyan, lalaban at lalaban talaga ang team na iyan. That’s why we have to be careful. We expect this match to be a very tough battle,” sabi ni Delos Santos na tinutukoy ang kanilang pagkatalo sa Foton nakaraang PSL Grand Prix.

Nagpahayag naman ng tiwala si Serbian coach Moro Branislav ng Foton sa kanyang mga manlalaro.

“For my opinion, we can make it to the semifinals. That’s why this victory over Petron is very important to my team. This will gauge how we will perform in the next round,” ayon kay Branislav.

Sasandal si Branislav nina Santiago-Manabat, Soltones, Sindayen, Mary Grace Berte, Jennilyn Reyes, Ivy Perez at Kathleen Barrinuevo.

 “Well, we have to make some stops. Petron is such a tough and talented team. We have to make some adjustments as well,” dagdag ni Branislav.

FOTON TORNADOES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with