^

PSN Palaro

Dela Cruz nagka-injury; tanggal na sa Gilas 5.0

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Sa Day One ng three-day training camp ng Gilas Pilipinas 5.0 sa Splendido sa Tagaytay noong Martes ay nagkaroon si Blackwater sophomore forward Arthur Dela Cruz ng ruptured Achilles tendon.

Sa nasabi ring araw ay sumailalim ang 6-foot-3 na si Dela Cruz sa isang emergency surgery sa Makati Me­dical Center.

Dahil dito ay apat na buwan na magpapahinga ang dating kamador ng San Beda Red Lions na magreresulta sa pagkakabura niya sa listahan ng Gilas Pilipinas training pool.

Hindi rin niya matutulungan ang Elite ni mentor Leo Isaac sa kampanya para sa darating na 2017 PBA Commissioner’s Cup na magsisimul bukas sa Smart Araneta Coliseum.

Gusto ni Blackwater team owner Dioceldo Suy na mag­karoon ang PBA at Samahang Basketbol ng Pilipinas ng malinaw na kasunduan hinggil sa mga GIlas players na magkakaroon ng injury.

Ang PBA-SBP MOA ay para lamang sa pagpapahiram ng mga PBA players ng kanilang mother ball clubs sa Gilas Pilipinas.

Bukod kay Dela Cruz, wala rin sa line-up ng Blackwater sina 6’8 JP Erram para sa mid-season conference si Gilas Cadet member Mac Belo.

Sina Dela Cruz at Belo ay ang leading scorers ng Elite sa nakaraang 2017 PBA Philippine Cup sa kanilang parehong average na 14.3 points per game.

Inaasahang sasandal ang Elite kay import Greg Smith, naglaro para sa Houston Rockets sa isang preseason game laban sa Indiana Pacers sa Mall of Asia Arena sa Pasay City noong 2013.

ARTHUR DELA CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with