Spurs pinagulong ang Warriors; Jazz lasog sa Thunder
SAN ANTONIO - Tumipa si guard Patty Mills ng 21 points para tulungan ang Spurs na angkinin ang 107-85 panalo laban sa Golden State Warriors sa larong nagkulang ng star power.
Hindi pinaglaro ng top two teams ang kanilang mga star players.
Wala na si Kevin Durant dahil sa isang knee injury, ipinahinga ng Warriors sina Stephen Curry, Klay Thompson, Draymond Green at Andre Iguodala.
Mahalaga ang makuha ang top seed, ngunit mas gusto ni Golden State coach Steve Kerr na maging malusog ang kanyang mga players pagsapit ng NBA Playoffs.
Hindi naman nakita sa aksyon para sa Spurs sina Kawhi Leonard, Tony Parker at Dejounte Murray dahil sa injuries, habang si LaMarcus Aldridge ay may minor heart arrhythmia.
Umiskor si Ian Clark ng 36 points para sa Warriors, naisuko ang ikatlong sunod na kabiguan at pang-lima sa huling pitong laro, kasunod ang 14 at 11 markers nina Matt Barnes at Zaza Pachulia, ayon sa pagkakasunod.
Sa Oklahoma City, inungusan ni Russell Westbrook si NBA legend Wilt Chamberlain at nakalapit sa posisyon ni Oscar Robertson.
Nagposte si Westbrook ng 33 points, 14 assists at 11 rebounds para sa kanyang ika-32 triple-double ngayong season at iginiya ang Thunder sa 112-104 panalo laban sa Utah Jazz.
Inungusan ni Westbrook si Chamberlain (1967-68) para sa second-most triple-doubles sa isang season para makalapit sa 41 marka ni Robertson noong 1961-62.
Sa iba pang resulta, tinalo ng Miami ang Toronto, 104-89; giniba ng Atlanta ang Memphis, 107-90; pinabagsak ng Milwaukee ang Minnesota, 102-95; dinaig ng Cleveland ang Orlando, 116-104; giniba ng New Orleans ang Charlotte, 125-122 at iginupo ng Detroit ang New York, 112-92.
- Latest