Aguilar, Mangosong rivalry, muling sisiklab sa Diamond Motor Supercross
MANILA, Philippines - Muling bubuhayin nina Glenn Aguilar at Davao daredevil Bornok Mangosong ang kanilang sukatan ng lakas sa paghataw ng 2nd Diamond Motor Corporation Supercross sa Marso 4 sa MX Messiah Fairgrounds sa Taytay, Rizal.
Pinagharian ng 40-an-yos na KTM -sponsored na si Aguilar ang Pro Open laban sa mga batang riders ng Philippine motocross.
Nabigo naman si Ma-ngosong na bigyan ng ma-gandang laban si Aguilar matapos lumahok sa isang single leg ng five-leg series dahil sa kanyang commitment sa isang popular na primetime TV show.
Nangako si Mangosong ng Yamaha na sasalihan ang limang legs na itinataguyod ng Diamond Motor Corporation at inorganisa ng Xtreme Adrenaline Sports sa pamumuno ni Sam Tamayo ng Generation Congregation.
Sinabi ni Tamayo, isa ring pro rider, na hindi lamang sina Aguilar at Mangosong ang dapat aba-ngan sa serye.
‘‘Others are going to give the favorites a tough fight,’’ wika ni Tamayo, balak gawin ang nasabing event sa buong bansa.
Ang second leg ay gagawin sa Marso 25 kasunod ang third leg sa Marso 29, ang fourth leg sa Abril 13 at ang fifth at final leg sa May 27.
‘‘To God be the Glory,’’ ani Tamayo, isang pastor sa Church of Nazarene, sa PSA Forum sa Golden Phoenix Hotel sa Pasay City kahapon.
Ayon kay Joann Silva ng Diamond Motor, ang pagsuporta nila sa Supercross ay bahagi ng social responsibility ng kanilang kumpanya na gumagawa ng highly-acclaimed Montero at iba pang Mitsubishi vehicles.
Nakilala sa paghahalo ng music, games at track action kasama ang drifting, itatampok sa kompetisyon ngayon ang labanan ng mga amateurs, ladies, veterans, novice, legends, kids, executive class, underbone at local enduro.
- Latest