^

PSN Palaro

Arellano nagtulung-tulong para maibalik ang titulo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Arellano nagtulung-tulong para maibalik ang titulo
Ang koponan ng Arellano University na hinirang na kampeon sa NCAA Season 92 women’s volleyball nang kanilang basagin ang thrice-to-beat San Sebastian Lady Stags.

MANILA, Philippines -  Muling nakasakay sa ulap ang Arellano University matapos mabawi ang kampeonato sa NCAA women’s volleyball.

Kinumpleto ng Lady Chiefs ang impresibong three-game sweep laban sa thrice-to-beat San Sebastian College para masungkit ang kanilang ikalawang korona sa liga - ang una noong 2014 season.

Inirehistro ng Arellano ang 25-18, 25-20, 25-16 panalo sa Game 1, kasu­nod ang 18-25, 25-16, 25-11, 26-28, 15-13 desis­yon sa Game 2 at ang 25-15, 22-25, 25-23, 25-16 pananaig sa Game 3 upang pigilan ang Lady Stags na binabanderahan ni three-time MVP Grethcel Soltones.

Naniniwala si Arellano mentor Obet Javier na ginabayan sila ng kanyang namayapang asawa sa buong panahon ng serye.

“From the start of the finals, I knew my wife was there. And I keep talking to her to help us and guide us because I knew she wants us to win the championship again,” ani Javier patungkol sa kanyang asawa na si Amy Marie na suma­kabilang-buhay dalawang linggo na ang nakalilipas dahil sa lung cancer.

Bago pa man magsi­mula ang finals, ipina­ngako ng Lady Chiefs na i-aalay nito ang laro sa kanilang coach at namayapang asawa.

“I’m also thankful that my players kept telling me before the finals that they will dedicate the cham­pionship to her. The pla­yers showed heart and rea­lly worked hard to win this championship,” ani Javier.

Matibay na nasandalan ng Lady Chiefs sina Jovielyn Prado, Andrea Marzan at Ria Sante gayundin si playmaker Rhea Ramirez na siyang nagmando upang mabuo ang mata­talim na plays ng kanilang tropa.

“It’s a total team effort. Nagtulung-tulong kami para makuha namin ito. Ang sarap ng feeling na nagbunga ang lahat ng paghihirap namin,” paha­yag ni Prado na siyang itinanghal na Finals MVP.

“Yung Finals MVP award bonus na lang yun dahil ang target talaga namin, makuha ulit yung championship and we’re happy dahil nabawi namin,” aniya.

LADY CHIEFS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with