^

PSN Palaro

Tile Masters matatag pa rin sa liderato

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napatatag ng Racal Ceramica ang kapit sa solong pamumuno matapos lusutan ang Wangs Basketball, 89-84 upang manatiling malinis ang kanilang rekord sa 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup, kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Naasahan ng Tile Masters si Kent Salado na siyang kumana ng husto sa fourth quarter kung saan naipasok nito ang walo sa 14 puntos ng kanilang tropa sa huling limang minuto.

Kumulekta si Salado ng kabuuang 14 puntos, dalawang rebounds at dalawang assists para tulu­ngan ang Racal na makuha ang ikaapat na sunod na panalo.

“I warned them not to take Wangs for granted. Hirap na hirap kami sa kanila,” pahayag ni Tile Masters coach Jerry Codiñera.

Nagtala si Jackson Corpuz ng double-double na 18 markers, 14 boards, tatlong blocks at dalawang steals para sa Tile Masters habang nagdagdag si Sidney Onwubere ng 10 points at anim na rebounds.

Lumasap naman ang Wangs ng ikatlong sunod na kabiguan para mahulog sa 1-3 baraha.

Nanguna para sa Wangs si Rey Publico na may 16 points at anim na rebounds samantalang umani si Marlon Gomez ng 14 markers at pitong boards.

Sa ikalawang laro, su­mosyo sa ikalawang puwesto ang Cafe France matapos pulbusin ang Jose Rizal University, 75-57.

Bumanat si Rod E­bon­do ng 21 points, siyam na rebounds at tatlong blocks katuwang si Paul Desiderio na may 13 mar­kers, walong boards at tatlong assists para sa Cafe France na umangat sa 3-1 at saluhan ang Tanduay na may katulad na rekord.

RACAL CERAMICA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with