^

PSN Palaro

Heat isinalba ni Waiters

Pilipino Star Ngayon
Heat isinalba ni Waiters
Isinalpak ni Dion Waiters ng Heat ang winning basket sa harapan ni Klay Thompson ng Warriors sa kanilang laban sa NBA.

MIAMI -- Nalampasan ng Heat ang isang fourth quarter rally ng Golden State Warriors para itakbo ang 105-102 panalo.

Binanderahan ni guard Dion Waiters ang pang-apat na sunod na panalo ng Miami sa kanyang 33 points at tinapos ang seven-game winning run ng Golden State.

Nagdagdag si Goran Dragic ng 19 points, habang kumolekta si center Hassan Whiteside ng double-double sa kanyang 10 points at 15 rebounds.

Nagpakawala ang Warriors ng 12-3 atake para sa kanilang one-point deficit sa Heat sa huling 21 segundo ng fourth period.

Kumonekta si Dragic ng isang free throw para muling ilayo ang Heat ngunit tuluyan nang nakatabla ang Warriors sa 102-102.

Humanap naman si Waiters ng magandang pagkakataon para pakawalan ang kanyang game-winning three pointer shot para sa panalo ng Heat, may 15-30 record ngayon.

Ito ang pang-pitong kabiguan ng Warriors na may 38 panalo.

Pinamunuan ni Kevin Durant ang Warriors sa kanyang 27 points kasunod ang 22 at 21 markers nina Klay Thompson at Stephen Curry, ayon sa pagkakasunod.

Sa Utah, nagsalpak si Russell Westbrook ng game-winning jumper para ilusot ang Oklahoma City Thunder laban sa Jazz, 97-95.

Tinapos ng Oklahoma City ang six-game winning streak ng Utah.

Tabla ang laro sa 95-95, isinalpak ni Westbrook ang isang 20-footer sa natitirang 1.4 segundo kasunod ang timeout ng Jazz.

Naimintis naman ni Alec Burks ang kanyang 3-point attempt sa huling posesyon ng Utah sa pagtunog ng final buzzer.

Itinala ni Westbrook ang kanyang pang-22 triple-double sa season sa tinapos na 38 points, 10 rebounds at 10 assists, habang nagdagdag si Victor Oladipo ng 18 markers kasunod ang 14 points ni Enes Kanter para sa Thunder, winakasan ang two-game losing slump.

GORAN DRAGIC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with