^

PSN Palaro

Lady stags dumikit sa Sweep

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mabilis na dinispatsa ng San Sebatian College ang Lyceum of the Philippines University, 25-21, 25-19, 25-17 upang makalapit sa sweep sa NCAA Season 92 women’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nagsanib-puwersa sina two-time MVP Grethcel Soltones at Joyce Sta. Rita na parehong kumana ng 13 puntos upang dalhin ang Lady Stags sa imakuladang 8-0 rekord.

Nagdagdag naman si Katherine Villegas ng siyam na puntos habang may pitong kinamada si Dangie Encarnacion para sa San Sebastian na nakakuha ng 25 excellent sets mula kay Vira Guillema at 20 digs at 18 receptions galing naman kay Alyssa Eroa.

Isang panalo na lamang ang kinakailangan ng Lady Stags para mawalis ang eliminasyon na magbibigay daan upang masungkit ang awtomatikong tiket sa finals kalakip ang thrice-to-beat advantage.

Nakaharang sa daan ng Lady Stags ang nagdedepensang College of Saint Benilde na susubukang dungisan ang kanilang malinis na rekord sa huling araw ng eliminasyon sa Miyerkules.

Tuluyan nang nalaglag sa Final Four race ang Lady Pirates na lumasap ng ikaapat na kabiguan laban sa limang panalo.

Tanging ang San Sebastian (8-0) at Arellano University (7-1) pa lamang ang nakasisiguro ng tiket sa Final Four habang naiwan ang bakbakan sa Benilde (6-2), San Beda College (6-3)  at University of Perpetual Help System Dalta (6-3) para sa huling dalawang semis slot.

Maganda namang tinapos ng Colegio de San Juan de Letran ag kampanya nito matapos patumbahin ang Emilio Aguinaldo College, 18-25, 25-22, 25-13, 24-26, 15-7.

Sa men’s division, na­ilista ng Generals ang 32-30, 25-22, 25-20 desisyon laban sa Pirates para ma­ningning na tuldukan ang kanilang ratsada sa taong ito. Sumulong sa 1-8 ang EAC na runner-up noong nakaraang season habang bagsak sa 2-7 ang Letran.

LADY STAGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with