^

PSN Palaro

Gin Kings, Elite magpapasolido

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Gin Kings, Elite magpapasolido
Isinagawa ni PBA Commissioner Chito Narvasa ang ceremonial jumpball sa pagitan ng AMA Online at Batangas sa pagbubukas ng PBA D-League Aspirant’s Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines - Isang lumilipad na wingman laban sa isang matibay na rookie forward.

Ito ang masasaksihan sa pagtatapat nina Japeth Aguilar ng Barangay Gi­nebra at rookie Mac Belo ng Blackwater ngayong alas-7 ng gabi sa 2017 PBA Philippine Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Sa inisyal na laro ay magtutuos ang Rain or Shine at ang nanganganib na Meralco sa alas-4:15 ng hapon.

Parehong puntirya ng Gin Kings at Elite ang kanilang ikalawang sunod na panalo na magbibigay sa kanila ng malaking tsansang umabante sa eight-team quarterfinals cast.

Ang nagdedepensang San Miguel Beermen pa lamang ang nakatiyak ng tiket sa quarterfinals sa bisa ng kanilang 8-1 kartada.

“Blackwater is legit and playing great basketball,” sabi ni Ginebra two-time PBA Grand Slam champion coach Tim Cone sa tropa ni Leo Isaac.

Si Belo, dating kamador ng Far Eastern University Tamaraws sa UAAP, ang bumabandera sa Elite sa kanyang mga averages na 16 points, 7.4 boards, 1.6 assists, 1.6  steals at 0.6 block per game.

Inaasahang ipapabantay ni Cone kay Aguilar si Belo sa kanilang laro.

Umiskor ang Ginebra ng 83-72 panalo laban sa Meralco sa Iloilo City noong Sabado, habang pinadapa naman ng Blackwater ang Alaska, 103-100, noong Linggo.

ROOKIE FORWARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with