^

PSN Palaro

Devance bumida sa Gins, Bolts lalo pang nalaglag

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Waring ibinalik ng Gin Kings at Bolts ang kanilang sarili sa nakaraang 2016 PBA Governor’s Cup championship series.

At katulad ng nangyari sa huli, tinalo ng Barangay Ginebra ang Meralco.

Bumangon ang Gin Kings mula sa 10-point de­ficit sa opening period para balikan ang Meralco, 83-72, para palakasin ang kanilang tsansa sa eight-team quarterfinal round ng 2017 PBA Philippine Cup kagabi sa San Agustin University Gym sa Iloilo City.

Nauna nang pinatumba ng Ginebra ang Meralco sa nakaraang PBA Go­vernor’s Cup Finals kung sa­an isinalpak ni import Jus­tin Brownlee ang game-winning three-point shot sa Game Six para angkinin ang korona.

Bumandera si power for­­ward Joe De­vance para sa Gin Kings ni two-time PBA Grand Slam champion coach Tim Cone mula sa kanyang 19 points.

“We’re still trying to climb our way back to con­tention,” wika ni Cone. “The thing i liked about to­day is out team really battled and battled and we have our bad moments and we kept battling through it keeping our heads up keep pushing.”

Kinuha ng Bolts ang 10-point advantage, 23-13, bago nakabangon ang Gin Kings para ilista ang 13-point lead, 71-58, sa 5:31 minuto ng fourth quarter.

Mula rito ay hindi na na­kadikit ang Meralco ni one-time PBA Grand Slam champion mentor Norman Black.

Nalasap ng Bolts ang ka­nilang pang-anim na su­nod na kamalasan.

Bumandera si Reynel Hugnatan para sa Meralco sa kanyang 18 markers kasunod ang 14 at 11 points nina 2016 PBA Rooke of the Year Chris Newsome at Baser Amer, ayon sa pag­ka­kasunod.

Samantala, pipilitin naman ng Alaska na maka­sos­yo sa ikalawang puwes­to sa pagsagupa sa Blackwater ngayong alas-4:30 ng hapon kasunod ang laro ng TNT Katropa at Star sa alas-6:45 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Nagmula ang Aces sa 97-90 overtime win laban sa Hotshots noong Ene­ro 11 kung saan umiskor si­na Vic Manuel at Calvin Abueva ng 25 at 23 points, ayon sa pagkakasunod.

 

vuukle comment

DEVANCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with