^

PSN Palaro

Sweep sa elims tangka ng Red Booters laban sa Chiefs

ABOUT SHOWBIZ - Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Lalapit ang San Beda College para sa minimit­hing sweep sa pakikipagtuos sa nagdedepensang Arellano University ngayong araw sa pagpapatuloy ng NCAA Season 92 men’s football tournament sa Rizal Me­mo­rial Football Field.

Maghaharap ang Red Booters at Chiefs sa alas-12 ng tanghali, habang mag­papang-abot naman sa ikalawang laro sa alas-2 ng hapon ang Lyceum of the Philippines University at College of Saint Benilde.

Nanggaling ang San Beda mula sa 2-1 panalo laban sa Lyceum tampok ang pagbibida ni Filipino-British Connor Tacagni na si­yang kumana ng dalawang goals noong Martes upang manatiling malinis ang rekord ng Mendiola-based booters.

“We are focused on winning our last two games be­cause we all want to re­gain the championship,” wi­ka ni San Beda coach Mi­chael Pediamonte.

Determinado ang Red Booters na makuha ang ika-22 titulo nito sa liga.

Dalawang panalo na la­­mang ang kinakailangan ng San Beda para aw­to­ma­­tikong umusad sa finals bitbit ang ‘thrice-to-beat ‘advantage.

Matapos ang Chiefs, sunod na makakasagupa ng Red Booters ang Bla­zers sa susunod na linggo.

Malinis din ang baraha ng St. Benilde sa semis nang ilampaso ang Arellano no­ong Martes sa pamamagitan ng 2-0 desisyon upang manatiling buhay ang pag-asa sa titulo.

Sa juniors division, ha­ngad naman ng Arellano na maipagpatuloy ang magandang ratsada sa pakikipagtipan sa San Beda sa alas-8 ng umaga.

Sinorpresa ng Junior Chiefs ang reigning titlist na La Salle-Greenhills, 1-0, mula sa umaatikabong goal ni Kent Talam sa ika-64 mi­nuto ng laro.

Ngunit mataas ang mo­ral ng Junior Red Booters na mula sa impresibong 5-0 demolisyon laban sa Letran Squires.

SAN BEDA COLLEGE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with