^

PSN Palaro

Cabagnot hinirang na unang PBA Best Player of the Week ng 2017

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Cabagnot hinirang na unang PBA Best Player of the Week ng 2017
Si Alex Cabagnot ng San Miguel laban kay LA Tenorio ng Ginebra.

MANILA, Philippines - Hindi inisip ni Alex Ca­bagnot ang kanyang ka­pakanan.

Sa halip ay mas inuna ni­yang tulungan ang nagdedepensang San Miguel para patuloy na pangunahan ang 2017 PBA Philippine Cup.

Pinayuhan ng mga duk­tor na sumailalim sa sur­gery dahil sa kanyang depressed nasal fracture, naglaro pa rin si Cabagnot suot ang facial mask para igiya ang Beermen sa 72-70 paglusot kontra sa Ginebra Gin Kings noong Linggo.

“But we’re in the middle of the season now and there are certain things you gotta do and you gotta take care of. Put the priorities at hand first,” sabi ng University of Hawaii-Hilo standout na nagtala ng 14 points at 9 rebounds sa 118-93 panalo ng Beermen laban sa Elite noong Biyernes.

Noong Linggo ay ku­mamada naman ang 34-anyos na point guard ng 16 points sa third quarter para tulungan ang San Mi­guel na takasan ang Gi­nebra.

Inihatid ng left-handed guard ang Beermen sa huling dalawang panalo mu­la sa kanyang mga ave­rages na 15.0 points, 4.5  rebounds at 3.0 assists.

Dahil sa kanyang ka­bayanihan ay hinirang si Ca­bagnot bilang unang Accel-PBA Press Corps Player of the Week awar­dee sa 2017.

Inungusan ni Cabagnot para sa weekly citation ang kanyang SMB teammates na sina Arwind Santos at June Mar Fajardo, Rain or Shine guard Jericho Cruz, NLEX guard Carlo Lasti­mosa at Globalort high-scoring gunner Terrence Ro­meo.

Ang naturang injury ay natamo ni Cabagnot matapos siyang bigyan ng hard foul ni Cliff Hodge sa third quarter sa panalo ng Beermen kontra sa Meralco Bolts noong Disyembre 28.

Dahil sa kanyang flagrant foul penalty 2 laban kay Cabagnot ay pinagmulta ng liga si Hodge ng P20,000.

 

vuukle comment

CABAGNOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with