^

PSN Palaro

Olympic gold ‘di na makikita ni ‘Mel’ Lopez

Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon
Olympic gold âdi na makikita ni âMelâ Lopez
Gemiliano ‘Mel’ Lopez

MANILA, Philippines – Nangarap si Gemiliano “Mel” Lopez, naging pa­ngulo ng amateur boxing sa bansa, ang pagsuntok ng isang Filipino boxer sa kauna-unahang gold medal sa Olympic Games.

At ngayon ay hindi na ito matutunghayan ng da­ting presidente ng Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) at ex-mayor ng Manila.

Sumakabilang buhay si Lopez noong Linggo ng gabi matapos atakehin sa puso habang ipinagdiriwang ng sambayanan ang pagpasok ng Bagong Taon.

Siya ay 81-anyos.

Sinabi ng kanyang anak na si Manila Representative Manny Lopez na ginawa ng kanyang ama ang lahat ng makakaya nito para manalo ang isang Filipino boxer ng Olympic gold.

“It’s sad because it has always been his dream. Pangarap niya talaga ‘yun,” wika ng batang Lopez, na­ging pangulo ng ABAP matapos itong bitawan ng kanyang ama. “He really worked on grassroots development and he tried his best.”

Bilang pangulo ng a­ma­teur boxing mula 1987 hanggang 1993, tinulungan ni Lopez ang bansa na makaangat sa international arena maging ito ay sa Southeast Asian Games, Asian Games o Olympic Games.

Sumuntok ng medalya ang mga boksingero sa SEA Games at maging sa Asian Games at Olympics.

Noong 1988 Seoul Olympics ay kumuha si Leopoldo Serrantes ng bronze medal sa light-flyweight division at noong 1992 Barcelona Olympics ay nag-uwi naman si Roel Velasco ng isa pang bronze sa pareho ring 48 kg division.

Noong 1990 Asian Games, nagbulsa ang bansa ng gold medal mula kay bantamweight Roberto Jalnaiz bukod pa sa mga bronze medals nina light-fly Eliaz Recaido, lightweight Leopoldo Cantancio at light-welterweight Arlo Chavez.

“We had the talent and we developed it,” wika ni Lopez, namuno sa amateur boxing hanggang 1998 kasunod ang liderato ni Ricky Vargas.

Noong 1994 Asian Games sa Hiroshima, nagpatuloy ang mga Filipino boxers sa pag-arangkada nang manalo ng gold me­dals sina Mansueto Velasco, Recaido at Reynaldo Galido.

GEMILIANO “MEL” LOPEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with