^

PSN Palaro

Lady Stags nakatuon sa sweep

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakasentro ang San Sebastian College sa tangkang mawalis ang lahat ng asignatura nito sa eliminasyon na magbibigay sa kanila ng awtomatikong tiket sa NCAA Season 92 women’s volleyball tournament.

Tatlong panalo na lamang ang kailangan ng Lady Stags ngunit nais ni coach Roger Gorayeb na mas mapalakas pa ang kanyang tropa upang maisakatuparan ang inaasam na sweep.

“Yes we want to sweep, who wouldn’t want that. But I want my team to improve on many aspects like defense and not relying too much on one player but play more as a team,” pahayag ni Gorayeb.

Hawak ng San Sebastian ang solong liderato tangan ang imakuladang 6-0 rekord.

Nakaharang sa daan ng Lady Stags ang tatlong matitikas na koponan.

Unang makakasagupa ng San Sebastian ang Final Four contender University of Perpetual Help System Dalta (3-2) sa Enero 13 kasunod ang Lyceum of the Philippines (4-1) sa Enero 23 at ang defending champion College of St. Benilde (5-1) sa Enero 25.

Tinututukan ni Gorayeb si reigning back-to-back MVP Grethcel Soltones na tinukoy nitong wala pa sa perpektong kundisyon.

Nasa ikalawang puwesto lamang si Soltones sa scoring department hawak ang average na 16.17 puntos kada laro sa likod ng nangunguna at last season Finals MVP na si Jeanette Panaga ng Lady Blazers na may 17 hits kada laro.

“I did my part, it will really be up to her (Soltones),” ani Gorayeb.

Makakatuwang ni Soltones sina Katherine Villegas, Dennice Lim, Vira Guillema, Alyssa Eroa, Joyce Sta. Rita at Nikka Dalisay.

NCAA SEASON 92

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with