^

PSN Palaro

Dagsa ang mga lumahok sa 21st Alaska Football Cup

FROM THE STANDS - Pilipino Star Ngayon
Dagsa ang mga lumahok sa 21st Alaska Football Cup
Idinidribol ng isang manlalaro mula sa Miriam College Football Club (kanan) ang bola laban sa football player ng Parañaque Football Club sa 21st Alaska Football Cup nitong weekend.

MANILA, Philippines – Muling sumabak ang mga batang mahilig sa football sa kanilang paglahok sa 21st Alaska Football Cup, ang pinakamalaki at pinakamatandang grassroots development football program, na idinaos sa Alabang Country Club kamakailan.

Kabuuang 5,000 pla­yers mula sa 320 teams sa buong bansa ang naglaban-laban sa nasabing two-day football event na inilaro sa 28 na mas maliit na football fields at pinamahalaan ng 168 football officials.

Hindi alintana ng mga partisipante ang pagbuhos ng malakas na ulan dahil sa bagyong ‘Marce’ na nagpadulas at nagpaputik sa football field matapos ipakita ang kanilang football skills sa annual event na suportado ng Alaska Milk.

Nagkampeon ang Mi­riam College Football Club at LBC Kaya Football Club para sa 14-and-under girls at 6-and-under children, ayon sa pagkakasunod.

Sumasandal ang Alas­ka Milk sa kanilang Nutrition, Action, Champion program para mapahusay ang mga bagitong atleta sa football.

Ang kanilang programa ang nagtanim sa isipan ng mga bata ng positive values kagaya ng disiplina, pagsisikap, determinasyon, pagtutulungan at paggalang sa isa’t isa.

ALASKA FOOTBALL CUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with