^

PSN Palaro

Lady Stags itinulak ang 3-way tie sa liderato

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Lady Stags itinulak ang 3-way tie sa liderato
Pinagtulungan blankahin nina EJ Casana (5) at Kirth Rosos (11) ng Perpetual Help Junior Altas ang palo ni Dythyl Calumia (15) ng San Beda Red Cubs sa NCAA Season 92 junior volleyball tournament.

MANILA, Philippines - Mabilis na pinatumba ng San Sebastian College ang Mapua Institute of Technology, 25-13, 25-17, 25-13  upang maipuwersa ang three-way sa unahan ng standings sa NCAA Season 92  women’s volleyball tournament kaha­pon sa The Arena sa San Juan City.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Lady Stags para samahan sa liderato ang nagdedepensang College of St. Benilde at San Beda College na may hawak ding malinis na 2-0 marka.

Halos hindi pinagpawisan si back-to-back MVP Grethcel Soltones na lumikom lamang ng pitong puntos at pitong digs dahil sina Katherine Villegas at Nikka Mariel Dalisay ang nagmando sa opensa ng tropa matapos magtala ng pinagsamang 17 puntos para sa Lady Stags.

Nagdagdag din sina Dennice Lim at Joyce Sta. Rita ng tig-anim na puntos habang may 34 excellent sets si Vira Guillema.

Dinomina ng San Sebastian ang attackline matapos itarak ang 44 kills laban sa 17 ng Mapua.

May 11 aces din ang Lady Stags tampok  ang apat mula kay Guillema at tatlo kay Villegas.

Nahulog sa ikalawang sunod na kabiguan ang Lady Cardinals na humugot ng lakas kay Katrina Racelis na nagbigay ng walong puntos subalit hindi ito sapat para dalhin ang kanyang koponan sa panalo.

Sa men’s division, nanaig ang Mapua sa San Sebastian, 25-19, 23-25, 25-22, 25-21 para makisosyo sa liderato kasama ang San Beda hawak ang parehong 2-0 baraha.

Wagi naman ang reig­ning titlist University of Perpetual Help System Dalta sa juniors class nang payukuin ang San Beda, 25-16, 25-14, 25-12, tungo sa ikala­wang sunod na panalo.

LADY STAGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with