^

PSN Palaro

Diones gumawa ng bagong record sa triple jump

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Gumawa ng ingay si dating Palarong Pambansa champion Mark Harry Diones nang wasakin nito ang Philippine record sa men’s triple jump sa ginanap na Phi­lippine Amateur  Track and Field Association (PATAFA) Weekly Relays sa Philsports Complex sa Pasig City.

Lumundag si Diones ng 16.29 metro para burahin ang 16.12 metro na national mark na naitala ni Joebert Delicano noong 2009 Southeast Asian Games sa Vien­tiane, Laos.

Kung mapapanatili ni Diones ang kanyang impresibong laro, walang duda na makahihirit ito ng silya sa national team na sasabak sa 2017 SEA Games na gaganapin sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nalampasan ni Diones ang 16.20m ni Singapore SEA Games silver medalist Varunyoo Kongnil ng Thailand gayundin ang 15.92m ni Nguyen Van Hung ng Vietnam na siyang nakasiguro ng tansong medalya.

Dikit din ang marka ni Diones sa 16.76 SEA Games record na pag-aari naman ni Muhammad Hakimi Ismail ng Malaysia.

Kinumpirma naman ng PATAFA ang naturang performance ni Diones bilang bagong national record.

Isa si Diones sa mga bagitong tracksters na tinututukan ng PATAFA para sa Malaysia SEA Games.

Kasama rin si Ernest John Obiena na siya namang may hawak ng national mark sa men’s pole vault.

DIONES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with