Eczacibasi VitrA lalaban sa finals ng WCWC
MANILA, Philippines – Inangkin ng nagdedepensang Eczacibasi VitrA Istanbul ang unang tiket sa finals matapos gibain ang VakifBank Istanbul, 25-23, 19-25, 25-17, 25-23, sa semifinals ng FIVB Women’s Club World Championship na inihahandog ng PLDT kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City
Humataw si Serbian star Tijana Boskovic ng 17 kills, 2 blocks at 3 aces for 22 points para sa Eczacibasi na nagreyna noong nakaraang taon matapos talunin ang Dinamo Krasnodar ng Russia.
“We have unbelievable plays in attacks, but if you want to win against an elite team like VakifBank, you have to play good defense. Attacks and blocks will not be enough,” sabi ni head coach Massimo Barbolini.
Tumapos namang may pinagsamang 45 points sina Russian Tatiana Kosheleva, Brazilian Thaisa Daher Pallesi, American Jordan Larson-Burbach at Serbian Maja Ognjenovic sa torneong inorganisa ng Philippine Superliga at Eventcourt kasama ang TV5, Petron, Nature Spring, Asics, BMW at F2 Logistics bilang sponsors, ang Diamond Hotel bilang official residence at Turkish Airlines bilang official airlines.
Samantala, tinalo ng Rexona-Sesc Rio ang Bangkok Glass, 25-19, 25-15, 25-15, sa classification battle para sa 5th hanggang 8th places sa world event na suportado ng Philippine Sports Commission, Rexona, Mall of Asia Arena, Foton at Price Waterhouse Cooper katuwang ang Mikasa, Jinling at Gerflor bilang technical sponsors.
Lalabanan ng 11-time Brazilian champions ang Hisamitsu Springs Kobe, tinalo ang PSL-F2 Logistics Manila, 25-15, 25-18, 25-21, para sa agawan sa 5th hanggang 6th places.
Nagtala si Yuki Ishii ng 13 kills at 3 aces para sa kanyang 16 points sa panig ng Japanese.
Nalasap ng PSL-F2 Logistics ang kanilang ikatlong sunod na kamalasan.
- Latest