^

PSN Palaro

Posadas, 3 pa nag-qualify sa World Championships

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinangunahan ni World Cup veteran Lara Posadas ang four-player national team na kakatawan sa Pilipinas sa 2016 World Singles Bowling Championships na gaganapin sa Disyembre 2 hanggang 9 sa Doha, Qatar.

Makakasama ni Posadas sina Ivan Dominic Malig, Krizziah Tabora at Raoul Miranda.

Kasalukuyang naglalaro sina Miranda at Posadas sa prestihiyosong World Cup international finals sa Shanghai, China.

Nakuha nina Posadas at Tabora ang tiket sa women’s division matapos manguna sa 36-game, week-long elimination. Nakalikom si Posadas ng 7,074 pinfalls hawak ang average na 196.50 pinfalls para sa u­nang puwesto habang sumegunda si Tabora na may 7,061 (196.14 ave­rage).

Naghari naman si Malig sa men’s elimination bitbit ang 7,569 pinfalls mula sa average na 210.53 sa 36 games kasunod sa ikalawa si Miranda na may 7,421 (206.14 average).

May 19 bowlers ang lumahok sa eliminations nagtampok ng iba’t ibang oiling patterns--dalawang long oil, dalawang medium oil at dalawang short oil - na ginanap sa Coronado Lanes Center at Starmall EDSA sa Mandaluyong.

Si four-time World Cup international champion Paeng Nepomuceno ang kasalukuyang head coach ng Philippine team base sa rekomendasyon ng Philippine Bowling Federation.

Upang maging patas sa pagpili ng kinatawan sa world meet, ipinatupad ni Nepomuceno ang elimination kung saan lahat ng miyembro ng national team ang nagpartisipa.

Ang PBF na dating Phi­lippine Bowling Congress ay pansamantalang hawak ni long-time sports official Steve Hontiveros.

Kasama sa PBF organizers sina Nepomuceno, ex-World Cup international titlist Bong Coo at sports patron Alex Lim.

WORLD CHAMPIONSHIPS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with