^

PSN Palaro

St. Clare teams kampeon sa NAASCU

Pilipino Star Ngayon
St. Clare teams kampeon sa NAASCU
Nasa larawan ang St. Clare College-Caloocan na nagkampeon sa 16th NAASCU men’s basketball tournamen nang talunin ang Fatima sa rubber match.

MANILA, Philippines - Matamis na inangkin ng St. Clare College-Caloocan ang kampeonato sa 2016 NAASCU men’s basketball tournament.

Ito ang kanilang ikala­wang titulo sa loob ng li­mang taon.

Ngunit hindi ito naging madali para sa Saints.

Kinailangan ng St. Clare ng solidong depensa sa huling sandali ng laro upang pigilan ang pagtatangka ng Our Lady of Fatima University tungo sa gitgitang 64-62 panalo kahapon sa Makati Coliseum.

Nakuha ng Saints ang 64-62 kalamangan may pitong segundo pa ang nalalabi nang mapwersa nito si Joseph Marquez ng Fatima na magmintis sa tangkang tres na nagdala sana sa Phoenix sa panalo.

Nakahinga ng maluwag si Saints coach Jinino Ma­nansala sa pagtunog ng final buzzer upang samahan ang kanyang tropa sa selebras-yon gayundin si NAASCU chairman Dr. Ernesto Jay Adalem ng host St. Clare.

Nauna nang naisukbit ng Saints ang kampeonato noong 2012 bago tumapos bilang runner-up sa Centro Escolar University sa tatlong sunod na taon (2013 hanggang 2015).

Doble ang selebrasyon ng St. Clare makaraang kubrahin din nito ang titulo sa juniors division.

Tinalo ng St. Clare ang AMA University, 74-62 sa rubber match ng kanilang best-of-three championship series.

Itinanghal si Mark Yu ng St. Clare bilang MVP habang nakasama nito sa Mythical Team sina Raymart Lumabas ng St. Clare, Javin Serrano ng AMA, Jack Hoyohoy ng Fatima at Jonathan Boho­lano ng Rizal Technological University. (CCo)

vuukle comment

NAASCU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with