^

PSN Palaro

Pinoy gymnasts mapapalaban sa mga dayuhan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Makikipagsabayan ang matitikas na Pinoy gymnasts sa 1st Gymnastics International Competition na gaganapin sa Oktubre 15 hanggang 16 sa Muntinlupa Sports Complex sa Muntinlupa City.

Ang torneo ay itatagu­yod ng Philippine Gymnastics and Athletics Academy kung saan mahigit 600 gymnasts ang lalahok mula sa Singapore, Indonesia, Thailand, Malaysia, India, Sri Lanka at host  country.

“PGAA has been encouraging Filipino children to jump, soar and dream through gymnastics.  At first, our gymnastics prog­ram was developed only as a grassroots program for underprivileged children, public school students and out of school youth with the inclination and potential of becoming a gymnast,” wika ni PGAA President at head coach Normita Ty.

Iminomolde ng PGAA-STY ang mahigit 150 gymnasts na isasabak upang mahasa ang mga ito para sa mga susunod na international competitions na lalahukan ng koponan.

Nais din ng grupo na hubugin ang talento ng mga gymnasts bilang paghahanda sa mga susunod na edisyon ng Olympics.

Nauna nang sumalang ang koponan sa Philippines Cup, ISM Goodwill Meet, Prime Gymnastics International Invitational sa Singapore, The Bangkok Moose Games sa Thailand, Hong Kong International Tournament, Synergy sa Malaysia, Gavrila sa Indonesia at NIST sa Indonesia.

GYMNASTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with