^

PSN Palaro

Tropang Texters dale ang bonus

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi na nagpatumpik-tumpik ang Tropang Texters bagama’t ang nagdedepensang Beermen ang kinalaban.

Nagtayo ang TNT Ka­tropa ng malaking 29-point lead sa fourth quarter para patumbahin ang San Miguel, 105-85 at tuluyan nang angkinin ang unang ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals ng 2016 PBA Governor’s Cup kagabi sa Batangas City Coliseum.

Ang ikalawang sunod na panalo ng Tropang Texters ang nagbigay sa kanila ng 8-1 record para patuloy na solohin ang liderato, habang nagwakas ang two-game winning run ng Beermen para sa kanilang 6-3 baraha katabla ang Mahindra Enforcers sa ikatlong puwesto sa ilalim ng Ginebra Gin Kings (6-2).

Ang top four teams matapos ang single-round eliminaiton ang magkakaroon ng ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals laban sa No. 5, 6, 7 at 8 squads.

Matapos makadikit ang San Miguel sa halftime, 45-47, ay humarurot ang TNT Katropa sa third period sa pangunguna nina Jason Castro at import Mychal Ammons para ilista ang 10-point lead, 59-49, sa 8:03 minuto ng third period.

Pinalobo pa nila ang naturang kalamangan sa 16 sa pagtatapos ng nasabing yugto.

Mula sa 80-64 bentahe ay nagpakawala ang Tropang Texters ng 19-6 atake, tampok dito ang dalawang three-point shots ni rookie Troy Rosario, para ibaon ang Beermen sa 99-70 sa huling 5:39 minuto ng final canto.

Samantala, poporma­lisahin ng Meralco ang pagpasok sa quarterfinals sa pagsagupa sa nanga­nganib na Star ngayong alas-6:45 ng gabi matapos ang bakbakan ng Rain or Shine at NLEX sa alas-4:30 ng hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Kung matatalo ang Hotshots, nasa pang-pitong sunod na kamalasan, ay hindi sila makakapasok sa playoffs sa unang pagkakataon sapul noong 2011.

TNT KATROPA 105 - De Ocampo 18, Castro 16, Madanly 15, Rosario 13, Ammons 11, Fonacier 9, Reyes R. 8, Williams 5, Carey 4, Tautuaa 3, Rosser 2, Rosales 1, Ababou 0, Nuyles 0.

San Miguel 85 - Fajardo 20, Singletary 18, Cabagnot 17, Santos 10, Abdeen 9, Tubid 7, Espinas 2, Lassiter 2, Arana 0, David 0, De Ocampo 0, Ross 0.

Quarterscores: 28-20; 47-45; 80-64; 105-85.

MILLIONAIRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with