^

PSN Palaro

Blustar Detergent sasalang na sa aksyon vs Tanduay solong liderato asam ng Phoenix

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pakay ng Aspirants’ Cup champion Phoenix na masolo ang liderato sa kanilang pagharap laban sa AMA Online Education sa pagpapatuloy ng 2016 PBA D-League Foundation Cup ngayong hapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Sasagupain ng Acce­lerators ang Titans sa alas-2 habang sisimulan ng Blustar Detergent ang kampanya nito sa pakiki­pagtuos sa Tanduay sa tampok na laro sa alas-4.

Magkasalo ang Phoenix at Cafe France sa una­han ng standings bitbit ang parehong 2-0 rekord kabuntot sa ikalawa ang Racal at Tanduay na may magkatulad na 1-1 baraha.

Parehong wala pang panalo ang AMA at Min­danao sa kanilang dalawang pagsalang.

Umaasa si Phoenix coach Eric Gonzales na mapapanatili ng kanyang bataan ang mataas na lebel ng laro.

Walang puwang ang pagiging kumpiyansa sa Accelerators laban sa Titans na gutom na makuha ang kanilang unang panalo.

“Binabantayan namin yan every quarter, every possession, kailangan ma­ging consistent kami. Sa last two games kasi, hindi ko pa nakikita yun sa mga bata,” wika ni Gonzales.

May pagkakataon na mabagal ang panimula ng Accelerators gaya ng kanilang huling laban kontra sa Topstar ZC Minda­nao kung saan agad itong  nalugmpok sa 0-11 sa pagsisimula ng laro.

Subalit malalim ang karanasan ng Phoenix kaya’t nagawa nitong makaba­ngon at makuha ang 108-78 panalo.

Kaya patuloy ang pa­alala ni Gonzales sa kanyang tropa na huwag ma­ging kumpiyansa anumang koponan ang kanilang kaharap.

“Kailangan pa rin na­ming respetuhin ang kalaban kasi hindi madali lahat ng magiging laro namin,” dagdag ni Gonzales.

Malakas na puwersa ang ilalatag ng Accelerators sa pangunguna ng beteranong sina Mac Belo, Ed Daquioag at Mike Tolomia.

Sa kabilang banda, ang Blustar Detergent na ginagabayan ni coach Goh Cheng Huat ay pamumunuan ni dating Ateneo standout Juami Tiongson kasama ang ilang Malaysian players.

BONGBONG MARCOS

CABINET APPOINTMENTS

FERDINAND MARCOS JR

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with