^

PSN Palaro

Omega Billiards Tour 9-Ball Champ: Ika-2 na ni Kiamco

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasungkit ni Warren Kiamco ang kanyang ikalawang korona sa taong ito matapos mamayagpag sa 2016 Omega Billiards Tour 9-Ball Championship na ginanap sa JR Pockets sa Denton, Texas sa USA.

Pinasadsad ng Guangzhou Asian Games silver medalist na si Kiamco ang Amerikanong si Robert Clark sa finals sa bisa ng 9-7 panalo.

Nakamit ni Kiamco ang $1,000 premyo habang nagkasya sa $610 konsolasyon si Clark.

Nakapasok si Kiamco sa finals matapos patumbahin si Jay Murillo sa semifinals sa iskor na 9-3.

Kabilang sa mga pinatalsik ng Pinoy cue masters sina Jay Brotherton sa first round, 9-3; Jeff Georges sa second round, 9-4; Jordan Gartenberg sa third round, 9-2; Hector Guerrero sa fourth round 9-2 at Cory Anderson sa quarterfinals, 9-5.

Nagkampeon kama­kailan si Kiamco sa 2016 New Orleans 8-Ball Open na ginanap sa Louisiana.

Umangat sa ika-24 puwesto si Kiamco sa Money List tangan ang kabuuang $11,155 na kinita sa taong ito.

Nasa ikalawang puwesto si Alex Pagulayan na may apat na titulo para makalikom ng tumatagin­ting na $57,242 habang ikaanim naman si Dennis Orcollo na umani rin ng apat na titulo tungo sa $36,225.

CLOSEUP FOREVER SUMMER

JOSHUA HABALO

NBI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with