^

PSN Palaro

Cignal lusot sa Bounty Fresh sa Spikers’ Turf, Valdez-less Bali Pure ‘di kinaya ang Air Force

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas

(The Arena, San Juan)

4 p.m.  Iriga vs Baguio

6:30 p.m.  Pocari vs NU

MANILA, Philippines - Sinamantala ng Philippine Air Force ang pagkawala ng top players ng Bali Pure upang itarak ang 25-23, 14-25, 25-19, 25-16 panalo kahapon sa Shakey’s V-League Season 13 Open Conference sa The Arena sa San Juan City.

Nanguna sa atake ng Air Force si middle hitter Dell Palomata na umiskor ng 16 puntos tampok ang limang aces habang nag-ambag ng 13 si dating University of Santo Tomas open spiker Judy Ann Caballejo.

“Masyado silang na-overwhelm sa panalo namin sa first set. Nawala yung reception namin sa second set. Buti na lang nakapag-adjust agad sa third at fourt sets para makuha namin yung panalo,” wika ni Air Force head coach Jasper Jimenez.

Nakakuha ang Bali Pure ng 13 puntos mula kay Amy Ahomiro habang may tig-12 sina Ella De Jesus at Dzi Gervacio. Nalimitahan naman sa anim na puntos si playing coach Charo Soriano.

Hindi nakapaglaro para sa Bali Pure sina UAAP MVP Alyssa Valdez at NCAA MVP Grethcel Soltones na parehong nag­lalaro sa exhibition game sa Europa.

Makakasama ng Air Force ang National University at Pocari Sweat sa tuktok ng standings taglay ang pare-parehong 1-0 marka samantalang nalag­lag sa 0-1 panimula ang Bali Pure.

Samantala, sumandal ang Cignal kina Ysay Marasigan at Raymark Woo upang pataubin ang Bounty Fresh sa bisa ng 25-18, 23-25, 21-25, 25-20, 15-10 panalo sa Spikers’ Turf Season 2 Open Conference.

Pumalo si Marasigan ng 20 puntos habang nagdagdag naman ng 14 puntos si Woo para tulungan ang Cignal na makuha ang unang panalo at samahan ng Cignal ang Instituto Estetico Manila sa unahan ng standings.

Nagdagdag si Herschel Ramos ng 13 puntos samantalang may 11 naman si Edmar Bonono para sa HD Spikers na nakapagtala ng 12 blocks tampok ang pinagsamang anim mula kina Marasigan at Woo.

Apat na miyembro ng Bounty Fresh ang nagtala ng double digits sa pangu­nguna nina Jason Sarabia at Romnick Rico na may tig-15 puntos su­balit hindi pa rin ito sapat para tulu­ngan ang kanilang koponan na makuha ang panalo.

GEN. TRIAS

ICTSI EAGLE RIDGE INVITATIONAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with