Clarkson umaasa pa rin na makakasama sa Gilas
MANILA, Philippines – Umaasa pa rin si Los Angeles Lakers guard Jordan Clarkson na makakapaglaro siya para sa Gilas Pilipinas dahil “it’s like a family and I want to be part of the heart and effort of the group.”
Dahil sa ilang isyu ay hindi nakasama si Clarkson sa training pool ng Gilas, naghahanda para sa darating na 2016 FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Hulyo 5-10 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Dumating si Clarkson sa Manila mula sa Los Angeles via Tokyo noong Biyernes ng gabi kasama ang kanyang kapatid na si Julian at Adrian Stelly ng Nike Global Sports Marketing.
Bumalik din sa bansa si Gilas naturalized player Andray Blatche mula sa Atlanta via Seoul sa nasabing petsa kasama ang kanyang utol na si Tre at best friend na si Bryan Extra.
Nakatakdang umalis ang grupo ni Clarkson ngayong umaga para sa 2 1/2 day tour sa Beijing bago bumalik sa Los Angeles.
“I came out here to try to inspire the (national) team, the city, the country the best way I can,” sabi ni Clarkson sa isang sit-down interview matapos ang pakikipag-ensayo sa Gilas sa Kerry Sports Gym sa Shangri-La Hotel The Fort.
Ang pagbisita ni Clarkson ay tinampukan ng kanyang pagtungo sa SM Blue Residences condominium sa Katipunan kung saan nakatira ang 10-anyos na kapangalan niya at fan na si Jordan Salandanan.
Matapos ang surprise visit, ay sinamahan ni Clarkson si Salandanan sa training kasama ang Ateneo boys squad sa Moro Lorenzo Gym sa Loyola campus.
Dinaluhan din ni Clarkson ang paglulunsad sa Nike Gilas uniforms and shoes, nakipag-ensayo sa national team, pinamunuan ang 16 boys mula sa Tenement sa West Bicutan para sa isang workout at nanood ng Filoil Flying V men’s senior basketball game sa pagitan ng Ateneo at La Salle sa San Juan.
- Latest