^

PSN Palaro

Longshot Radio Active wagi sa 1st leg Philracom Triple Crown

Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inangkin ng longshot colt na Radio Active ang first leg ng Philippine Ra­cing Commission Triple Crown series para sa elite 3YO Thoroughbreds sa pamamagitan ng pitong dipang panalo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Ang panalo ng Nestor Manalang-trained Radio Active ay katumbas ng prem­yong P1.8 milyon para sa horse owner na SC Stockfarm Inc. na kumuha rin sa P100,000 breeder’s purse.

Ang Radio Active ay anak ng US-breds na Lim Expensive Toys (sire) at Lacquaria (dam).

Sumegunda at tumer­sera naman ang Underwood at Space Needle ng Stony Horse Farm Inc. para maibulsa ang P675,000 at P375,000, ayon sa pagkakasunod, sa unahan ng Subterranean River ni Wilbert Tan na sumikwat ng P150,000.

Ang malakihang three-leg series ay halaw mula sa Triple Crown ng United States kung saan ito ay binubuo ng Kentucky Derby, Preakness Stakes at Belmont Stakes.

Kinuha ng Indianpana ng Deemark International Trading Corp. ang unahan sa pagsisimula ng 1,600-meter race kasunod ang paboritong Dewey Boulevard ni Hermie Esguerra, ang Space Needle at Radio Active.

Sa backstretch ay iniwanan ng Dewey Boulevard ang mga kasabay na Radio Active, Space Needle at Indianpana.

Sa likod ng mahusay na pagdadala ni jockey John Alvin Guce ay naagaw ng Radio Active ang unahan papasok sa far turn at patungo sa panalo.

Dahil sa sobrang tuwa sa panalo ng Radio Active ng pitong dipa ay napatayo si Guce bago pa man tumawid sa finish line.

Dahil dito ay pinatawan si Guce ng multang P1,000 ng stewards dahil sa grandstanding.

SUZIE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with