^

PSN Palaro

Cavs tinambakan ang Raptors

Pilipino Star Ngayon

CLEVELAND - Halos hindi nagmintis si LeBron James at kumamada ng 24 points sa tatlong quarters, habang umiskor si Kyrie Irving ng 27 markers para pangunahan ang Cavaliers sa 115-84 paglampaso sa Toronto Raptors sa Game One ng Eastern Confe­rence finals.

Isinalpak ni James ang una niyang siyam na tira, ang isa ay isang powerhouse dunk at tumipa ang Cavs ng 67 percent fieldgoal shooting sa first half.

Ito ang pang-siyam na sunod na panalo ng Cavaliers sa postseason.

Ang Cleveland ang u­nang koponan na sinimulan ang playoffs na may 9-0 matapos ang San Antonio Spurs na nagtala ng 10-0 noong 2012.

Kumpara sa kanilang second-round series kung saan sila kumonekta ng 77 3-pointers at winalis ang Atlanta, mas naging epektibo ang Cavs sa  close range.

Tumapos lamang ang Cleveland na may 7 of 20 3-point attempts.

Pinangunahan naman ni DeMar DeRozan ang Raptors sa kanyang 18 points kasunod ang 12 ni Bismack Biyombo.

Nalimitahan si point guard Kyle Lowry, umiskor ng 35 points sa pagsibak ng Raptors sa Miami Heat sa Game 7, sa 8 points.

Nakatakda ang Game Two sa Huwebes.

Bagamat siyam na araw nagpahinga ay hindi kinakitaan ng pangangalawang ang Cleveland.

Naglista si James ng 11 of 13 shooting at nagdagdag ng 6 rebounds at 4 assists sa loob ng 28 minuto.

Ipinahinga na si James sa final quarter at pinalakas ang loob ng mga Cleveland re­serves.

Umiskor ang Cavs ng 33 points sa second period at nalimitahan ang Raptors sa 16 markers.

JUMBO PLASTIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with