^

PSN Palaro

Maraño naghahanap pa rin ng team sa Super Liga

JV - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Siyam na araw bago hu­mataw ang Philippine Superliga Invitationals ay wala pa ring tiyak na kopo­nang mapaglalaruan si Aby Maraño.

Sa kanyang Twitter account ay ibinulalas ni Ma­raño, dating kamador ng La Salle Lady Spikers sa UAAP, ang kanyang sa­loobin.

“Ang gusto ko lang, mag­laro ng Volleyball. Please let me,” wika ni Ma­raño.

Bubuksan ang Philippine Superliga Invitationals sa Feb. 18 sa The Arena sa San Juan City.

Natapos na ang kontrata ni Maraño sa Petron Blaze at bumagsak naman ang pakikipag-usap niya sa Army-RC Cola.

Kumampanya si Mara­ño ng isang season para sa Petron na nagwagi sa All-Filipino Conference at su­me­gunda sa nagre­ynang Foton sa Grand Prix noong nakaraang taon.

Naging miyembro rin siya ng Generika squad na nabigo sa nanalong Petron sa Grand Prix noong 2014.

Isa si Maraño sa mga pla­yers na tumulong sa Lady Archers sa pagsikwat sa ‘three-peat’ sa UAAP at naging miyembro ng Ar­my na yumukod sa PLDT sa Shakey’s V-League Season 12-Reinforced Confe­rence noong 2015.

Bukod sa Petron, Foton at Army-RC Cola, nagkumpirma rin ng pagsali sa PSL Invitationals ang Phi­lips Gold, Cignal, F2 Logistics o Phoenix at expansion team San Jose Builders, mag­tatampok sa Perpetual Help at ilang star players sa NCAA na kinabibilangan nina back-to-back season MVP Gretchel Soltones ng San Sebastian at Finals MVP Jeanette Panaga ng St. Benilde.

Subalit wala pa ring na­tatanggap na alok mula sa naturang mga koponan si Maraño.

Samantala, hinugot ng Petron si Arellano star CJ Rosario at dating Shakey’s V-League MVP Aiza Maizo-Pontillas para patibayin ang kanilang kampanya.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with