^

PSN Palaro

Sa puntiryang tiket sa Rio games training ng tracksters sa abroad sinimulan na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinimulan na ng Phi­lippine Track and Field Association ang pagpapadala ng mga atleta para magsanay sa ibang bansa sa hangaring makakuha ng tiket para sa 2016 Rio Olympics kasama si Fil-Am hurdler Eric Shauwn Cray.

Sinabi kahapon ni athletics chief Philip Ella Juico na magtutungo sa susunod na linggo sina runner  Melvin Guarte, relay specialist Edgardo Alejan at steeplechaser Christopher Ulboc sa Perth, Australia para magsanay sa loob ng tatlong buwan.

“We’re sending them to Perth next week because we want to maximize our chances of qualifying more athletes to the Olympics,” wika ni Juico.

Nauna nang naipadala ng PATAFA si pole vaul­ter EJ Obiena sa Poland noong Disyembre para sa tsansang makapaglaro sa Rio Oympics.

“He’s been training in Poland under coach Vitaly Petrov since December 19 and will do so until January 18,” wika ni Juico kay Obie­na, nakatakdang lumahok sa UAAP sa Feb. 17 at sa Asian Indoor Championship sa Qatar.

Nagsasanay naman si long jumper Marestella Torres sa ilalim ng isang private group at puntirya ang isang silya sa Olympics.

Si Cray ang tanging Filipino na nakapasok sa 2016 Rio Olympics matapos makapasa sa qualifying standard sa nilahukang event sa Los Angeles noong nakaraang taon.

Nagsumite si Cray, isang Southeast Asian Games gold medallist, ng bilis na 49.12 segundo sa 400-meter hurdles para malampasan ang 49.40-second Olympic qualifying standard.

ACIRC

ASIAN INDOOR CHAMPIONSHIP

CHRISTOPHER ULBOC

EDGARDO ALEJAN

ERIC SHAUWN CRAY

JUICO

LOS ANGELES

MARESTELLA TORRES

MELVIN GUARTE

PERTH

RIO OLYMPICS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with