^

PSN Palaro

Pinoy squashers may magandang hinaharap sa 2017 SEA Games

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagbulsa ang national squash rackets team ng isang ginto, isang pilak at dalawang tansong me­dalya sa 2nd South East Asian Cup Squash Championship na ginanap sa Nay Pyi Taw, Myanmar

Nasungkit nina Jemyca Aribado at Yvonne Dalida ang ginto sa women’s jumbo doubles habang nasiguro naman nina Robert Garcia at David Pelino ang pilak sa men’s jumbo doubles.  Ang dalawang tanso ay galing kay Aribado (women’s individual) at mixed team event.

Tumapos sa ikatlong puwesto ang Pilipinas sa medal tally habang napasakamay ng Singapore ang overall title tangan ang dalawang ginto, dalawang pilak at tatlong tanso.

Umaasa si Squash Rackets Association of the Philippines (SRAP) President Robert Bachmann na ang kanilang matagumpay na kampanya sa Myanmar ang magsisilbing simula ng kanilang magandang laban sa mga international competitions partikular na sa 2017 Southeast Asian Games na gaganapin sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ang Pinoy squashers ay nagkasya sa tatlong tanso sa Singapore SEA Games noong nakaraang taon.

ANG

ANG PINOY

DAVID PELINO

JEMYCA ARIBADO

KUALA LUMPUR

MYANMAR

NAY PYI TAW

PRESIDENT ROBERT BACHMANN

ROBERT GARCIA

SOUTH EAST ASIAN CUP SQUASH CHAMPIONSHIP

SOUTHEAST ASIAN GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with