Tinakasan ang 76ers Warriors isinalba ng tres ni Barnes
PHILADELPHIA - Hindi ang mga superstars na sina Stephen Curry at Klay Thompson ang nagbigay ng panalo para sa Warriors.
Kumonekta si Harrison Barnes ng isang 3-pointer sa huling 0.2 segundo para tulungan ang nagdedepensang Golden State Warriors na mailusot ang 108-105 panalo laban sa Philadelphia 76ers.
Tumapos si Thompson na may 32 points at nagdagdag ng 23 si Curry para sa Warriors, nagposte ng 24-point second-half lead.
Nagdagdag si Draymond Green ng 10 points at 13 rebounds para sa Warriors, binuksan ang three-game road trip sa pamamagitan ng kanilang ikaanim na sunod na ratsada at duplikahan ang best start sa NBA sa 47 games.
Pinantayan nila ang 1966-67 record ng 76ers, naipanalo ang 43 sa kanilang unang 47 sa naturang season.
Naglista naman si Isaiah Canaan ng 18 points para pamunuan ang 76ers, nahulog sa 7-41.
Sa Toronto, kumamada si DeMar DeRozan ng 29 points para pangunahan ang 111-107 panalo ng Raptors sa Detroit Pistons at ilista ang kanilang franchise-best na 11 dikit na arangkada.
Nagdagdag si Kyle Lowry ng 18 points at humakot si backup center Bismack Biyombo ng 12 points at 13 assists, habang may 16 points si Cory Joseph mula sa bench.
Sa Indianapolis, kumayod si Monta Ellis ng season-high 32 points para igiya ang Pacers sa 109-105 overtime win laban sa Denver Nuggets.
Naimintis ni Ellis ang tres kung saan tabla ang iskor sa 99-99 sa regulation, ngunit nakakonekta ng three-point play sa huling 20.4 segundo sa overtime para sa ikalawang sunod na panalo ng Pacers.
- Latest