^

PSN Palaro

Gilas players sabik nang makalaro ang NBA stars

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa kabila ng malaking pagsubok na haharapin, sabik na ang ilang miyembro ng Gilas Pilipinas na maglaro sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na gaganapin sa bansa sa Hulyo 4-10 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ilang NBA stars ang posibleng dumating sa bansa para katawanin ang kani-kanilang bansa sa naturang Olympic qualifying na magsisilbing tulay upang makahirit ng puwesto sa 2016 Rio Olympics sa Agosto.

Kasama ng Pilipinas sa Manila leg ang powerhouse France, New Zealand, Canada, Senegal at Turkey. Nasa Group A  ang Turkey, Senegal at Canada habang pasok sa Group B ang Pilipinas, France at New Zealand.

Ayon kay Gabe Norwood ng Rain or Shine, magandang karanasan ito upang mas mahasa ang kanilang kakayahan dahil hindi basta-basta ang kanilang mga makakalaban.

“We can learn from that experience and I think it should be a lot of fun,” pahayag ni Norwood na miyembro ng Gilas Pilipinas na naglaro sa FIBA World Cup noong 2014 at bahagi ng silver-medal team sa 2013 at 2015 FIBA Asia Championships.

Nangako naman si two-time PBA  Most Valuable Player June Mar Fajardo ng San Miguel Beer na paghahandaan nito ang naturang torneo matapos mabigong makapaglaro sa Gilas Pilipinas noong nakaraang taon.

Kamakailan ay nagtamo ng injury sa kanang tuhod ang 6-foot-10 center sa semifinals ng PBA Philippine Cup ngunit agad itong nakabalik sa paglalaro sa Game 5 at Game 6 ng best-of-seven championship series ng Beermen laban sa Alaska.

“May time pa para magpakundisyon dahil malayo pa naman yun. Excited din ako makapaglaro ulit dahil dito gaganapin sa atin,” wika ni Fajardo.

Ilan sa mga posibleng maglaro sa hanay ng France sina Tony Parker at Boris Diaw ng San Antonio Spurs; Nicolas Batum ng Charlotte Hornets, Evan Fournier ng Orlando Magic, Joffrey Lauvergne ng Denver Nuggets at Rudy Gobert ng Utah Jazz.

Ang Canada naman ay babanderahan ni Andrew  Wiggins ng Minnesota Timberwolves habang ang Turkey ay pamumunuan ni Ersan Ilyasova ng Detroit Pistons at ang Senegal na mamanduhan ni Gorgui Dieng ng Timberwolves.

Unang makakasagupa ng Pilipinas ang France sa Hulyo 5 kasunod ang New Zealand sa Hulyo 6.

 

ANG

ANG CANADA

ASIA CHAMPIONSHIPS

BORIS DIAW

CHARLOTTE HORNETS

DENVER NUGGETS

DETROIT PISTONS

GILAS PILIPINAS

HULYO

NEW ZEALAND

PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with