^

PSN Palaro

‘Big Three’ ng Cavs nagtulong, Pistons gumulong

Pilipino Star Ngayon

AUBURN HILLS, Mich. - Sa u­nang pagkakataon ngayon season, ay umiskor sina LeBron James, Kevin Love at Kyrie Irving ng ma­laking produksyon sa isang laro.

Ito ang dahilan kaya dumiretso ang Cleveland Cavaliers sa isang high-scoring win.

Kumamada si Love ng 29 points, habang may 28 si Irving at 20 si James para banderahan ang Cavaliers sa 114-106 panalo sa Detroit Pistons.

Nagdagdag si James ng 9 rebounds at 8 assists.

“We always talk about, it starts and ends with the ‘Big Three,’ and those two guys got it done,” wika ni James. “I filled in, did what I needed to do to help us win.”

Ito ang pangatlong sunod na panalo ng Cavaliers makaraang matalo sa Chicago Bulls sa  unang laro ni Tyronn Lue bilang bagong coach ng Cleveland.

Gusto ni Lue na kaagad mag-init sa opensa ang Cavaliers.

Nagtala ang Cleveland ng halos 114 points sa kanilang huling laro.

Nilampasan ni James ang 26,000-point mark sa third period para maging pinakabatang player na nakamit ito sa edad na 31 taon at 30 araw.

Umangat din siya sa top 20 sa NBA sa career assists nang lampasan si Derek Harper.

Naglista si Andre Drummond ng 20 points at 8 rebounds para sa Detroit.

Tangan ng Cleveland ang best record sa Eastern Conference sa kanilang 33-12 baraha.

“I don’t know how many games we’ve had together,” wika ni Love. “That’s definitely coming back for us three.”

Sa iba pang laro, tinalo ng Boston Celtics ang Orlando Magic, 113-94; binigo ng New York Knicks ang Phoenix Suns, 102-84; tina­kasan ng Miami Heat ang Milwaukee Bucks, 107-103; dinaig ng Oklahoma City Thunder ang Houston Rockets, 116-108 at pinatumba ng Dallas Mavericks ang Brooklyn Nets, 91-79.

ACIRC

ANG

BIG THREE

BOSTON CELTICS

BROOKLYN NETS

CHICAGO BULLS

CLEVELAND CAVALIERS

DALLAS MAVERICKS

DEREK HARPER

DETROIT PISTONS

EASTERN CONFERENCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with