^

PSN Palaro

Iglupas dinomina ang Hong Kong ITF Junior netfest

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasungkit ni Khim Iglupas ang kampeonato sa girls’ singles ng 2016 Hong Kong ITF Junior Tennis Championship na ginanap sa Victoria Park Tennis Court sa Causeway Bay.

Pinataob ni Iglupas si Cherry Kim ng South Korea sa finals, 6-3, 6-1 upang masiguro ang kanyang unang titulo sa taong ito.

Kabilang rin mga pinabagsak ni Iglupas sina Skylar Wang ng Hong Kong sa first round, 6-3, 6-3; Shan Yu ng China sa second round, 6-2 6-3; Long Yufei ng China sa quarterfinals, 6-7 (7), 6-2, 6-4)  at Lee Kuan Yi ng Chi­nese-Taipei sa semifinals, 6-1, 6-3.

 Umusad naman sa finals si Kim matapos igupo si Millenia Putri Novela Rezha ng Indonesia sa hiwalay na semis match, 6-1, 6-0.

Sa girls’ doubles, hindi pinalad sina Iglupas at Makoto Ohara ng Japan nang matalo ito kina Long at kababa­yang si Zhao Le sa semifinals, 3-6, 6-7 (5).

Sa boys’ singles, bigo sina John Bryan Decasa Otico at Arthur Craig Pantino sa kani-kanilang kampanya. 

Sa kabilang banda, lumasap si Pantino ng 3-6, 2-6 kabiguan laban kay third pick Ching Lam ng Hong Kong sa first round.

Sa boys’ doubles, nakaabot sa semifinals sina Otico at Pantino ngunit natalo ito kina No. 1 Anthony Jackie Tang at Jack Wong ng Hong Kong, 2-6, 3-6.

ACIRC

ANTHONY JACKIE TANG

ARTHUR CRAIG PANTINO

CAUSEWAY BAY

CHERRY KIM

CHING LAM

HONG KONG

IGLUPAS

JACK WONG

JOHN BRYAN DECASA OTICO

JUNIOR TENNIS CHAMPIONSHIP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with