^

PSN Palaro

Altas solido pa rin ang lineup sa Season 92

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tiwala ang University of Perpetual Help System Dalta na maipagtatanggol ang kanilang korona dahil mananatiling solido ang kanilang lineup sa susunod na edisyon ng NCAA men’s volleyball.

Tanging tatlong manla­laro lamang ang mawawala sa koponan - sina team captain Bonjomar Castel, Neil Barry Ytorzaita at libero Andy Lloyd Baroy - subalit ilang rookies ang nakahandang punan ang kanilang mababakanteng puwesto, ayon kay Perpetual Help coach Sammy Acaylar.

“I have high hopes next season because we’re getting blue-chip rookies who will fill in the spots that will be vacated. And these rookies I’m mentioning is from our second team and they’re all six-footers,” ani Acaylar.

Sariwa pa ang Perpe­tual  sa matamis na panalo laban sa Emilio Aguinaldo College sa kanilang best-of-three championship series.

Nagwagi ang Generals sa Game 1, 25-22, 14-25, 25-14, 25-16 subalit nakuha ng Altas ang Game 2 (20-25, 25-21, 25-20, 25-19) at Game 3 (25-22, 23-25, 29-27, 22-25, 17-15).

Ito ang ika-11 korona ng Perpetual Help sa liga.

Sa kabuuan, mayroon nang 21 titulo si Acaylar sa Perpetual Help kasama ang walo sa juniors at da­lawa sa women’s division.

“I dedicate this to the school, which has given me opportunity and helped me become what I’ve become,” ani Acaylar.

Naging matatag sa armas ng Perpetual Help ang solidong depensa nito sa net upang pigilan ang EAC top spiker at back-to-back MVP na si Howard Mojica na nalimitahan lamang sa 19 puntos kumpara sa karaniwan nang mahigit  20 puntos na kinakamada nito sa bawat laro.

ACAYLAR

ACIRC

ANDY LLOYD BAROY

ANG

BONJOMAR CASTEL

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

HOWARD MOJICA

NEIL BARRY YTORZAITA

PERPETUAL HELP

SAMMY ACAYLAR

UNIVERSITY OF PERPETUAL HELP SYSTEM DALTA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with