^

PSN Palaro

Cafe France, Phoenix-FEU nakisosyo sa liderato

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inilampaso ng CafeFrance ang Mindanao Aguil­as sa pamamagitan ng 89-65 demolisyon upang masungkit ang kanilang unang panalo kahapon sa 2016 PBA D-League Aspirants’ Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ipinaramdam ni Congo national Rod Ebondo ang kanyang matikas na porma matapos kumana ng 16 puntos tampok ang 12 sa ikalawang kanto para pamunuan ang Bakers sa 1-0 panimula.

Humatak din ito ng 17 rebounds kalakip ang dalawang assists at dalawang blocks.

Sa kabila ng tagumpay, hindi pa rin kuntento si CafeFrance coach Egay Macaraya sa inilaro ng kanyang bataan na nagtala ng 13 turnovers sa unang yugto.

“Isipin mo sa first quarter pa lang, we had 13 turnovers na. Sa tingin ko, it’s more on gustong maging agresibo ng lahat pero na­ging out of control. Hopefully, maka-adjust kami since first game pa lang naman,” aniya.

Nagdagdag si Joseph Manlangit ng 13 puntos at anim na rebounds habang may isinumiteng 11 si Mar Villahermosa para sa Cafe France na bumira ng kabuuang 46 boards kumpara sa 24 lamang ng Aguilas.

Sa ikalawang laro, sumosyo sa maagang pamumuno ang Phoenix-Far Eastern University makaraang palubugin ang Wangs Basketbal, 107-70. 

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

CAFE FRANCE

D-LEAGUE ASPIRANTS

EGAY MACARAYA

JOSEPH MANLANGIT

MAR VILLAHERMOSA

MINDANAO AGUIL

PASIG CITY

PHOENIX-FAR EASTERN UNIVERSITY

ROD EBONDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with