^

PSN Palaro

Clippers sapaw uli sa Raptors

Pilipino Star Ngayon

TORONTO – Dumiretso ang Raptors sa kanilang season-high na walong sunod na panalo.

Ito ay matapos umiskor si guard Kyle Lowry ng 21 points at nagdagdag ng 20 si Jonas Valanciunas para tulungan ang Raptors sa 112-94 panalo sa Los Angeles Clippers.

Nagdagdag sina DeMar DeRozan at Terrence Ross ng tig-18 points para sa Raptors. Ito ang ikaapat na sunod na pagkakataon na pinatumba ng Raptors ang Clippers para kumpletuhin ang kanilang ikalawang sunod na season sweep.

Ito rin ang unang pagkakataon sa franchise history na winalis ng Raptors ang dalawang Los Angeles teams sa season.

Nauna nang giniba ng Raptors ang Lakers sa dalawang beses nilang pagkikita.

Kumolekta naman si guard Chris Paul ng 23 points at 11 assists sa panig ng Clippers, habang humakot si center DeAndre Jordan ng 15 at 13 rebounds at may 17 markers si JJ Redick.

Sa New York, tumipa si Brook Lopez ng season-high 31 points at humakot ng 10 rebounds para tulungan ang Brooklyn Nets sa 116-106 panalo laban sa Oklahoma City Thunder.

Winakasan ng Nets ang seven-game winning streak ng Thunder.

Tumapos si Kevin Durant ng 32 points, 10 rebounds at 7 assists para sa

Oklahoma City na nabigong lama­ngan ang Brooklyn sa kabuuan ng laro.

Nagtala naman si Russell Westbrook ng 27 points, 11 rebounds at 7 assists para sa pang-limang kabiguan ng Thunder sa 27 games.

Sa Philadelphia, umiskor sina Jae Crowder at Isaiah Thomas ng tig-20 points at tinalo ng Boston Celtics ang 76ers, 112-92.

Nag-ambag si Avery Bradley ng 19 points at may 16 si Marcus Smart para sa Celtics.

ANG

AVERY BRADLEY

BOSTON CELTICS

BROOK LOPEZ

BROOKLYN NETS

CHRIS PAUL

ISAIAH THOMAS

ITO

JAE CROWDER

JONAS VALANCIUNAS

POINTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with